BUHAY NA MAY HALAGA AT PATUTUNGUHAN
Arcillas Bonie
0:00 / 0:00
BUHAY NA MAY HALAGA AT PATUTUNGUHAN
1 448 просмотров · 3 дн. назад
Arcillas Bonie
41,4 тыс. подписчиков
1 448 просмотров · 3 дн. назад
GOD’S WORD FOR TODAY
TEXT: Roma 8 : 1 “Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus.
TOPIC: ANG BUHAY NA MAY HALAGA AT PATUTUNGUHAN
PAANO NATIN MALALAMAN ANG BUHAY NA MAY HALAGA AT PATUTUNGUHAN?
Panimula:
Kumuha tayo ng mga talata sa bible na nagpapaliwanag sa buhay na may halaga at patutunguhan:
Roma 8 : 1 “Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus.
Note: Kung ang tao ay parurusahan sa impiyerno, meaning walang halaga at walang magandang patutunguhan ang ganitong buhay…. Pero dahil ang sabi ng bible na hindi na parurusahan ang mga nakay Jesus na, meaning may halaga ang buhay at may magandang distiny…
Filipos 3 : 20 “Subalit sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit.
Note: Dahil ang ating pagkamamamayan ay langit, ibig sabihin may halaga ang buhay natin….
Galacia 3 : 26 “Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos.
Note: Pagsinabing anak ng Diyos, ibig sabihin hindi masasayang ang buhay ng mga anak ng Diyos, kasi nga anak ng Diyos….
PAANO NATIN MALALAMAN ANG BUHAY NA MAY HALAGA AT PATUTUNGUHAN?
3 katotohanan:
1. ITO YUNG BUHAY NA NASA KATOTOHANAN NA
2. ITO YUNG BUHAY NA MAY ETERNAL LIFE NANG NAKA LAAN
3. ITO YUNG BUHAY NA NAHANGO NA SA DILIM TUNGO SA LIWANAG.
APPLICATION:
Kapatid ang buhay sa mundo ay temporary lang, walang matibay, walang magaling, ang tao ay may hangganan, ang kamatayan ay walang pinipili, lahat ng ating pinagsikapan sa mundo ay mauuwi lang sa wala, ang ating katawan na inalagaan at pinagsikapang mabuhay, iningatan, pinaganda, pero pag binawi na ng Panginoon, wala na, ang ating katawan ay maagnas, pagpipiyestahan ng mga uod, at mabubulok…
Ang ating kaluluwa o espiritu ay hihiwalay sa katawan, at haharap ito sa Diyos, at nakabatay ang paghuhusga, depende kung sino tayo noong nabubuhay pa…
Ang ating patutunguhan, o disteny sa panahong ito, ay hindi nakakasalalay sa ating kamay, wala ka nang freedom of choice dito, ang pasya at ang hatol ay sa Diyos…
Kung inayos lang natin ang paglilingkod, nakareserve sana ang eternal life…
Kaya mga kapatid, dahil tayo ay buhay na buhay pa, kung malayo ka pa kay Jesus, at hindi ka pa tunay na naglilingkod sa kanya, ito na ang panahon mo, ito na ang chance mo, habang buhay pa may panahon pang maayos ang lahat sa ating buhay…