It’s Showtime August 31, 2026 | Full Episode
ABS-CBN It's Showtime
0:00 / 0:00
It’s Showtime August 31, 2026 | Full Episode
18 445 просмотров · 5 часов назад
ABS-CBN It's Showtime
2,85 млн подписчиков
18 445 просмотров · 5 часов назад
Dahil BER months na bukas, sisilip na ang liwanag ng Christmas lights sa Pinas. Pero bago pa lumiwanag ang paligid, dito sa "It's Showtime" star-studded agad ang tanghali sa mga nagkikislapan na bituin.
Unang nagdala ng star power si Jennylyn Mercado, who made her first-ever appearance on “It’s Showtime” and treated the Madlang People to a performance of her newest single. Nakisaya rin sa star-studded na tanghali si Bobot Mortiz, who shared his excitement over returning to music, his first love.
At dahil papalapit na nga ang pagsisimula ng Pasko sa Pinas, reunion season na naman. Nauna nang mag-reunite ang exes na sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Back together on the big screen ang JoshLia for their upcoming movie, “Always Yours, Never Mine,” at aminado ang dalawa na may mga bagay silang na-miss sa isa’t isa.
Hindi nagpahuli sa ningning ang mga accla na witty and bright sa Miss Q and A.
Unang rumampa si Bebe, ang teacher na ready magbigay ng best answer. Slay rin in her pakak-tail dress si Zoey, ang BPO employee ng grupo. Completing the lineup, meet Ma. Ahtisa Cordoves, ang engineer na beauty and brains, at kaunting 'brawn' kaya pabirong napagdudahan ni Vice Ganda.
Dahil parehong single, sinubukan ni Meme Vice na ireto sina Zoey at Ahtisa sa isa’t isa, pero parang hindi naman kumagat ang dalawa. Heto pa ang isang pares na nirereto. Sina hurado Nicoe Cordoves at Emilio Daez, may 'tension' daw sa pagitan nila habang ginagawa ang 'hug' exercises?
Araw-araw nasa kaha, sila ang masisipag na cashier. Pero sa game arena, sila naman ang magiging winner. Para sa mga Madlang Cashier mula Navotas, swerte ay magki-click sa pagsalang nila sa Laro Laro Pick.
Dahil walang naka-survive sa mga challenges, idinaan sa bunutan kung sino ang susubok ng kanyang swerte sa Jackpot Round, at si Mariel ang napiling lumaban para sa ₱500,000 pot money.
Matapang si Mariel—pati sa pakikipagtawaran sa Li-Pot offer. Umabot ng ₱35,000 ang alok, hindi pa rin siya nakuntento. Sinugalan ang P500,000 POT question dahil ramdam niyang masasagot niya ito.
#ShowtimeAgostoMoYorn
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment