Ikaw at Ako
Song’s for Aba YAHAWAH
0:00 / 0:00
Ikaw at Ako
196 просмотров · 10 дн. назад
Song’s for Aba YAHAWAH
42 подписчика
196 просмотров · 10 дн. назад
Ikaw at Ako
Verse 1
Sa dami ng landas na ating tinahak,
Sa bawat luha, saya at pangarap, Hindi ko inakala,na sa isang pagkakataon, Ikaw pala ang sagot sa aking panalangin. Isang pagpapalang ibinigay ng ating Alahayah Aba YAHAWAH.
Chorus
At sa bawat araw na dumaraan, Mas lalo pa kitang pahahalagahan, mas lalo pa kitang mamahalin,
Pangako hindi kita iiwan, dumating man ang unos sa ating daan, hindi tayo bibitiw, hindi mag-iiwanan.
“Dahil ang pag-ibig na ating sinumpaan, ang s’yang lakas na hahawak sa ating mga kamay, Ano man ang bukas na ating haharapin, Ikaw at ako magkasamang tatahakin.
Verse 2
Ikaw at ako, habambuhay na tayo.
Sa hirap at ginhawa, magkasamang tatayo. Sa bawat umaga, sa bawat gabi, sa bawat sandali ng ating buhay, hanggang sa dulo ng ating paglalakbay, Ikaw at ako tunay na magkasama. Sa harap ng ating pamilya, sa harap ng ating Alahayah Aba YAHAWAH, Buong puso akong mangangako, hahawakan ko ang iyong kamay, mananatili akong tapat sa iyo, At mamahalin ka
magpakailanman.
Repeat Chorus
Coda
Ikaw at ako sa hirap at ginhawa, sa bawat bukas na ibibigay ni YAHAWAH, ikaw at ako magkasama
habambuhay….