Перейти к содержимому

Pusta - Siuol & Baroms Feat. Luna (Audio)

Baroms Mandin

0:00 / 0:00

Pusta - Siuol & Baroms Feat. Luna (Audio)

2 436 просмотров · 4 года назад
Baroms Mandin
71 подписчик
2 436 просмотров · 4 года назад
PUSTA #Baroms #Siuol #PUSTA #SUGAL #HipHop #Rap #Song #Single #Beat Siuol & Baroms Feat. Luna ℗ 2021 Vocals: Louis Bernard "Siuol" Espinosa Vocals: Mark Roniel "Baroms" Centus Vocals: Vernie Lou "Luna" Espinosa Composed by:Louis Bernard Espinosa, Mark Roniel Centus Lyrics 1st Verse (Siuol) Nagsimula lang sa pasulyap sulyap Hanggang naakit, sa wallet ay napabuklat Lumago ang konting pera yan lang ang asam Sunod sunod ang aking bwenas, kaya natakam Magdamag na nagbabad para lang ako'y manalo Tumaya pa ng sagad kahit na medyo kabado Umaasa na ngayon baka bukas paldo na ako Hanggang nagtuloy tuloy ang aking pagkapanalo Bagamat sagana pa, unti unti sa laro'y natalo Nawala na ang saya at ngiti nasa mukha ko Magbabawas na ng taya, yan ang aking pinangako Ang masama ay tagmalas kaya naubos ko din halos Nangutang ng nangutang para lang na makabawi Di man lang makatayo kahit pa na nangangawit Naghanap at nag alok ng mga pwede pang sumide bet Naubos ang datong at alahas pa'y nadawit Talo na naman bat ganun nalang palagi Sakto pa naman bayarin ngayon ang dami Nadali na rin ang pambayad tubig, kuryente Wala ng natira sa bulsa ko miski bente Wag kang maniniwala sa swerte kasi malas yun Nakabili ng bahay kubo, dating may mansion Isa lang naman ang napagtanto ko Kahit anong sugal pa yan lamang ang talo mo (kaya) Chorus (Luna) Isipin ng mabuti ang, mga hakbang na tatahakin Pilitin ang sarili sa pagbangon sa problema na pasanin At ang palagi ko na hangarin Ay maitama ang mga maling gawain At maging wais sa lalakarin Handa sa bukas na maganda ang tanawin 2nd Verse (Baroms) Di sigurado patutunguhan tanong sa isip kumusta ka? Nang mahikayat aking sarili sagot nito’y pumusta ka Dalawa lang patutunguhan pag nanalo magagasta ka Subalit kapag mapait lasa ng tagumpay malamang ay natusta ka Handa nang isalang ang mga pera bawal na magsayang ng sandali Di kelangang isa lang oh mga repa dapat sagad lahat ng salapi Panghihinayang o pagsisisi lahat ng ito ay magkakalakip, sapagkat matalo ka man o manalo ay konsensya ang syang tunay na kapalit Di na mahalaga , palagay ko naman ay swerte pa ko sa ngayon Hanggang pumapanig pa ang bwenas at di pa ko minalamas ang wagi ay naka sang ayon Ngunit di to dapat na ganon, Guhit nito sapat na rason Upang mapigilan ang gan’to ko na hiligan sa isipan na patuloy na naka baon Waldas ang barya’t panahon pagkat may gusto pang patunayan Katunayan, mabalik lang sa nakaraan yan yung sayang Makaimbak ng limpak na pera para mawalan delema Makaipon ng husto gusto, nakaipon ng problema Kaya wag hibangan ang ganyang libangan makinig ka naman sa mga talakan na maraming laman galing kasamahan na may pake alam sa ‘yong kapakanan ‘Pakarami pa ng mapagdaraanan at kung saan man na mapupuntahan malamang ay alam mo na ang daanan na sa bawat taya matatalo ka lang Na sa bawat taya matatalo ka lang, kaya kung maghanap na lang ng lunas Palaging di pa huli lahat hanggat nakahanda lagi ang bukas Kelan may di mapapawi pa ng anumang panakip ng butas Malamang mababawi ang pera pero di na maibabalik pa ang oras. Chorus (Luna) Isipin ng mabuti ang, mga hakbang na tatahakin Pilitin ang sarili sa pagbangon sa problema na pasanin At ang palagi ko na hangarin Ay maitama ang mga maling gawain At maging wais sa lalakarin Handa sa bukas na maganda ang tanawin 3rd Verse (Siuol) Ang buhay ay maihahalintulad sa sugal Minsan panalo, madalas ay talo Hindi lang sa dami ng hamig masusukat ang kulay ng buhay ng tao Masaya nga oh, ngunit ang kaso Hindi yan ang tunay na yaman sa pagtanda mo Kaya magbago, habang bukas pa ang pintuan ng sagrado na palasyo bago maglaho pag isipan ng mabuti desisyon at mga plano (Baroms) Kasi di masama tumaya muli at pumusta sa buhay lalo na para sa pag ahon ng paa sa hukay Matitiyak ba ang resulta kahit na mahusay tumingin ang mata sa kahon na may mga kulay Kaya kaylangan mag isip ka ng maayos pagkat ang buhay ang nakataya at dadalhin hanggang matapos na ang pagdadaanan halos lahat ng malakbay na misyon Baka manhinayang ka dahil sa maling mga desisyon Subalit hindi pa huli ang lahat humanap ka muna ng pagyayapusan makikita parin ang hinaharap kahit pa laging nasa likuran Di na mababago ang nakaraan kahit na muli mo itong simulan Pero pwede mo ulit simulan para mabago ang pagtatapusan Bridge (Luna) Isipin ng mabuti ang mga hakbang na tatahakin Higit pa sa pera ang dapat na pangarapin Mabuti pang pagmamahal ipunin at hagilapin Dahil pagibig ang tunay dapat na pagyamanin Chorus (Luna) Isipin ng mabuti ang, mga hakbang na tatahakin Pilitin ang sarili sa pagbangon sa problema na pasanin At ang palagi ko na hangarin Ay maitama ang mga maling gawain At maging wais sa lalakarin Handa sa bukas na maganda ang tanawin