Перейти к содержимому

Vice, na-impress sa WITTY talak ni Jhong! | It's Showtime | September 24, 2026

ABS-CBN It's Showtime

0:00 / 0:00

Vice, na-impress sa WITTY talak ni Jhong! | It's Showtime | September 24, 2026

13 904 просмотра · 6 часов назад
ABS-CBN It's Showtime
2,86 млн подписчиков
13 904 просмотра · 6 часов назад
Ang wish natin, harmony in life! Kaya swak na swak ang performance ng 4Play, ang grupo nina Mark Justo, Eich Abando, Miah Tiangco, at Ian Manibale. Ang blending, sobrang swabe! At para mas kumpleto ang timpla, naging musical muse nila for the day si Cianne Dominguez sa isang collab na nakaka-relax at nakaka-in love. Sweet girls naman ang atake nina Bianca De Vera at Esnyr na bumisita at nag-promote ng serye nila. Sa "Miss Q and A," hindi sapat ang ganda lang ang puhunan. Dapat mabilis ang isip at matalas sa talakan. Meet our candidates for today's video—Anne Refol, Chan-Chan Sanchez, at Ashlynn Raven Manio. Napansin ni Meme ang pagiging telegenic ni Anne. Pak na pak, plakado ang kagandahan! Si Ashlynn naman ay napagkamalang host ng ibang programa, pero mas napako ang atensyon ni Meme sa makeup look nito. May 'sabotage' nga bang nangyari? At best friend ni Ashlynn ang guilty? Hindi naman kumpleto ang araw kung walang bardagulan na pagsasaluhan ang magkakaibigang Vhong Navarro, Vice Ganda, at Jhong Hilario. Pero hinay-hinay lang sa puksaan, mahirap nang mapatawag ng kinauukulan. Kaya si Vhong, nag-sorry na lang bago pa humaba ang usapan! Sina Chan-Chan at Ashlynn ang umabante sa Wit Lang round kung saan 'mukha' ang topic sa mga playtime na tanungan. Samantala, naaalala n'yo ba ang nawawalang tibok-tibok ni Vice Ganda sa pantry? Mukhang na-solve na ang mystery! Hindi n'yo aakalain, si Nicole Cordoves pala ang salarin! Amoy pa lang ng tinda nilang ihaw-ihaw, mapapalingon na ikaw. Pero break muna sila sa trabaho ngayong araw, dahil sa Laro Laro Pick muna sila bibida para masungkit ang sizzling na papremyong pera. Isa sa kanila si Rose, na hindi lang mahusay sa pagtitinda kundi maganda rin ang galawan sa dance floor. Choreographer pala ang kanyang mister, pero never pa silang nakapagsayaw nang sweet together. Kaya si Vice Ganda na ang gumawa ng paraan at binigyan ang mag-asawa ng sarili nilang moment for a slow-dance. Nabunot para maglaro sa jackpot round si player Jay, na naging emosyonal habang ikinukuwento ang kondisyon ng anak niyang si Aedan, na nasa spectrum. Na-touch sa kuwento ni Jay, dinoble pa ni Meme ang tinanggihan niyang offer at binigyan siya ng P60,000 para sa kanyang anak. #ShowtimeSigeKembot #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment