BPE 2026: Ano ang Nakataya para sa Bangsamoro? (with Malou Tiquia) | The Bangsamoro Lens S2 EP. 7
Kalinaw Collective Media Network
0:00 / 0:00
BPE 2026: Ano ang Nakataya para sa Bangsamoro? (with Malou Tiquia) | The Bangsamoro Lens S2 EP. 7
5 138 просмотров · 5 дней назад
Kalinaw Collective Media Network
374 подписчика
5 138 просмотров · 5 дней назад
Habang papalapit na ang Bangsamoro Parliamentary Elections 2026, mas nagiging mahalaga ang bawat desisyon ng mga botante. Dahil hindi lamang mga pangalan at partido ang kanilang pipiliin, kundi ang mga magiging bahagi ng Parliament na huhubog sa direksyon ng Bangsamoro sa mga susunod na taon.
Sa episode na ito ng The Bangsamoro Lens, makakasama natin si Malou Tiquia, political strategist at analyst, para talakayin ang huling yugto ng political landscape bago ang halalan. Ano ang mga pangunahing isyung dapat bantayan? At ano ang dapat isaalang-alang ng mga botante bago ibigay ang kanilang boto?
Higit pa sa personalidad, partido, at political affiliations, pag-uusapan kung anong uri ng lider ang tunay na kailangan ng Bangsamoro—at kung bakit mahalaga ang transparency, accountability, at paglaban sa korapsyon sa pagbuo ng isang mas mapagkakatiwalaang pamahalaan.
Sa pagbuo ng unang regular na Parliament, isang mahalagang hamon ang haharapin ng mga bagong halal na lider: Paano nila mapatutunayan na karapat-dapat silang pagkatiwalaan ng mga mamamayan ng Bangsamoro?