Marangal na Dalit ng Katagalugan
Imelda Cajipe Endaya
0:00 / 0:00
Marangal na Dalit ng Katagalugan
35 138 просмотров · 12 лет назад
Imelda Cajipe Endaya
75 подписчиков
35 138 просмотров · 12 лет назад
"Bilang pagpupugay sa lahat ng mga bayani at mamamayang lumaban para sa kalayaan nuong Himagsikang 1896, inawit nang Andres Bonifacio Concert Choir ang 'Marangal na Dalit ng Katagalugan.' Kinatha ni Julio Nakpil noong 1896 sa kahilingan ni Bonifacio, ang awiting ito ay maituturing na 'Unang Himno o Anthem ng Inang Bayan. Nakapaloob dito ang banal na layunin ng Katipunan: ang ibalik ang nawawalang kalayaan at dangal ng byan. Iniwasan ni Bonifacio na tukuyin ang kapuluan bilang "Fillipinas" sapagkat ito ang pangalan ng Espanyol. Sa halip ang ginamit niya ang "Katagalugan" mula sa salitang 'alog" o tubig bilang pagtukoy sa mga mamamayang nabubuhay sa buong kapuluan na napaliligian ng tubig at mga kapatagan at bundok na mayaman sa log, lawa, at iba pang anyong tubig. Ang Marangal na Dalit ng Katagalugan ay mula sa musika at titik ni Julio Nakpil. - Fe Buenaventura Mangahas, Komisyoner ng Komisyong Pangkasasayan ng Pilipinas, 2014.