"KABISADO KO ANG AMOY NG PABANGO MO, MULA NOON, HANGGANG NGAYON.." | JHAM TALES
JHAM TALES
0:00 / 0:00
"KABISADO KO ANG AMOY NG PABANGO MO, MULA NOON, HANGGANG NGAYON.." | JHAM TALES
4 527 просмотров · 2 дня назад
JHAM TALES
71,1 тыс. подписчиков
4 527 просмотров · 2 дня назад
JHAM TALES | PREVIEW: “May paparating. Pakiantabayanan mo.” banayad na ani ni Luisa. Mula nang maglaho ang kaniyang paningin, naging matalas talaga ang pandama at pang-amoy niya.
“Baka iyan na ang pizza na pina-deliver natin!” sabi ng private nurse niya na si Amanda. Pinay rin ito kaya natuwa si Luisa nang malaman na ito ang kinuha ng abogado ng ama niya para makasama niya sa bahay.
“Good evening! I’m looking for Luisa Montes?” wika ng malagom na boses ng isang lalaki mula sa labas ng pinto.
Biglang nanigas sa kinauupuan niya si Luisa. Sapagkat pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Boses na limang taon na niyang hindi naririnig. Ano ang ginagawa ni Julian dito sa Texas?!
“Ha?! Ah, who are you?” nagtatakang tanong ni Amanda sa lalaki.
“I’m Julian Enriquez, an old family friend. This is her house, right?”
Mapait na napangiti si Luisa habang kinakapa ang white cane niya. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa sofa at maingat na humakbang patungo sa pinto. Old family friend daw niya si Julian?! Iyon lang ang pakilala nito sa sarili samantalang higit pa sa pagiging kaibigan ang tingin at turing nila sa isa’t isa noon.
“Julian, ano’ng ginagawa mo dito?” aniya sa lalaki.
“Oh! Buti na lang at kilala mo pala talaga siya, Luisa. Halika, pasok ka ka, Julian,” wika ni Amanda. “Ako si Amanda, ang private nurse ni Luisa.”
Naramdaman ni Luisa na pumasok sa loob ng apartment niya si Julian. Tumalikod siya at humakbang pabalik sa sofa.
“Paano ka nakakalakad nang diretso kung wala kang nakikita, Luisa?” nagtatakang tanong ni Julian.
“Binibilang ko ang mga steps ko. Isa pa, kabisado ko na ang layout ng apartment ko. Inalis nina Amanda ang mga ibang gamit na pwedeng mabunggo ko,” sagot niya.
“Um, iiwan ko na muna kayo para magkausap kayong dalawa. Doon na muna ako sa kwarto ko. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka o kung dumating na ang pizza, Luisa,” singit ni Amanda.
Hinintay muna ni Luisa na marinig ang pagsara ng pinto ng kwarto ni Amanda bago niya ipinaling ang ulo sa direksyong huling pinagmulan ng boses ni Julian.
“Maupo ka, Julian. Hindi nabanggit ni Atty. Geller na darating ka ngayon dito. Sa kanya mo nakuha ang address ko?”
“Oo. Kumusta ka? Masakit pa rin ba ang mga sugat na tinamo mo sa aksidente?”
Mapait na ngumiti siya. Nang maaksidente siya ay hindi niya alam kung paano kokontakin ang kanyang mama dahil matagal nang nagtatago ito sa mga pinagkakautangan nito. Wala siyang ibang mapagpilian kundi tawagan ama niya na nasa Pilipinas. Sinagot naman siya ng ama niya pero nalaman niyang hirap nang makabiyahe ito. Naka-wheelchair na raw kasi ito sanhi ng pagkahulog nito sa kabayo noong isang taon.
Akala niya ay si Julian ang ipapadala ng ama niya para puntahan siya sa ospital. Inaanak ng dad niya si Julian. Magkababata sila dahil magkatabi lang ang mga lupain ng mga pamilya nila. At nang mamatay ang mga magulang ni Julian noong fifteen years old ito ay kinupkop na ito ng ama niya.
Pero ang ipinadala ng ama niya ay ang abogado nitong si Atty. Geller. Ang abogado ang nag-asikaso sa kanya habang nasa ospital pa siya. Ito rin ang nagbayad ng hospital bill niya at kumuha ng private nurse para sa kanya nang makalabas na siya ng ospital.
“Hindi ba masyado ka nang late para tanungin ako niyan? Isang buwan na mula nang maaksidente ako, Julian.”
“Hindi agad ako nakapunta dahil—”
“Hindi ko naman tinatanong kung bakit hindi ka nakapunta noong nasa ospital pa ako. Wala ka namang obligasyong puntahan ako. Ang gusto kong malaman ay kung bakit ka narito ngayon?”
Story written by: Laura Rosal
Voice: Jey-ey
Arrangements: Admin Luna Margaret
Story Parts:
Intro: 0:00
Part 1: 0:51
Part 2: 7:56
Part 3: 20:03
Part 4: 33:33
Part 5: 52:17
Last Part: 1:05:38
Story Takeaway: 1:09:24
#tagalogstories
#tagaloglovestory
#lovestory
#audiobooks
Keywords:
Kuwentong pag-ibig
Istorya ng buhay
bilyonaryo
Drama stories
Pag-ibig sa bilyonaryo
One night stand
full story
full stories
Inspirational Stories
Success stories
Kuwento ng buhay
Tagalog drama
Tagalog stories
Tagalog drama ng buhay
Motivation
Inspiring stories
Full episodes
-------------------------------------
Disclaimer: Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Kung may pagkakatulad sa lugar, pangalan, pangyayari, ang lahat ay nagkataon lamang at mula sa malikot na imahinasyon ng manunulat.
Ang kuwentong ito ay ekslusibong pag-aari ng JHAM TALES. Bayad po namin ang audiobook copyright sa manunulat ng stories gayundin ang bumoboses para mabigyan ito ng buhay. Please do not copy and reupload. Thanks!
All rights reserved: Jham Tales | 2025