Hanggang Sya'y Dumating
Three Angels Hymns & Praise
0:00 / 0:00
Hanggang Sya'y Dumating
128 просмотров · 2 недели назад
Three Angels Hymns & Praise
393 подписчика
128 просмотров · 2 недели назад
Hanggang Siya’y Dumating - Tagalog Adaptation of Until He Comes by Zeres Vitto
Tagalog Lyrics by Zeres Vitto
Vocal by Zeres Vitto
Awit ng Pag-ahon #4 — Batay sa Awit 123
[Talata 1 — Mga Manlalakbay Pauwi]
Gaya ni Abraham, tayo’y dayuhan, Lungsod ng Diyos ang hinahanap; Walang tahanang permanente, Mga Patriarka’y sinusundan.
Sa Diyos na naghahari sa langit, Tayo ay nakatingin; Dayuhang tagapagmana ng Zion, Hinihintay hudyat ng Kanyang kamay.
[Bago ang Koro — Ang Bantay]
“Bantay, anong ulat ng gabi— Kailan sisikat ang araw?” “Darating ang umaga’t gabi; Magbantay—araw ay darating.”
[Koro — Nagbabantay at Naghihintay]
Nakatingin kami sa Iyo, O Diyos, Hinihintay hudyat ng 'Yong kamay; Lagyan ng langis ang aming sisidlan, Tulungang tumayong matapat.
Habang si Jesus ay naghuhusga, Katotohanan Mo’y pagningasin; Magdamag kaming magbabantay, Hihintayin ang ’Yong pagliligtas.
[Talata 2 — Lumakad Gaya ni Enoc]
Gaya ni Enoc sa madilim na mundo, Turuan kaming sumunod sa ‘Yo; Nagbabala sa darating na hatol, Ngunit nanatiling matapat.
Habang hatol ay papatapos, Babala’y aming ihahayag; Gaya ni Enoc na lumakad nang tapat, Turuang sundin ang Kalooban Mo.
[Koro — Nagbabantay at Naghihintay]
Nakatingin kami sa Iyo, O Diyos, Hinihintay hudyat ng 'Yong kamay; Lagyan ng langis ang aming sisidlan, Tulungang tumayong matapat.
Habang si Jesus ay naghuhusga, Katotohanan Mo’y pagningasin; Magdamag kaming magbabantay, Hihintayin ang ’Yong pagliligtas.
[Talata 3 — Gaya noong Panahon ni Noe]
Sa pagmasid ni Noe, sila’y pabaya, Mundo ngayo’y panatag rin. Hatol Mo’y kanilang tinutuya, Sa kapalalua’y namumuhay.
Gaya ng pantas, may langis sa sisidlan, Sa Espiritu’y pagningasin; Habang Kasintaha’y namamagitan, Kami’y magbabantay buong gabi.
[Tulay — Gabi ni Jacob]
“Maawa Ka! O Panginoon!” Pag naglaho ang lahat ng tulong sa mundo; Gaya ni Jacob, nakipagbuno Hanggang bukang-liwayway.
Kahit libakin, Kahit gipitin, Hindi Ka namin bibitawan; Kami’y ingatan sa oras ng kadiliman— Sa biyaya Mo lamang kami’y tatayo.
[Huling Koro — Dumating ang Hari]
Sa Iyo kami nakatuon, Nagbabantay sa gabing madilim; Paghuhukom ay nagsara, pagbabantay ay tapos na— Ang aming Hari’y dumarating!
Mga patay kay Kristo’y babangong imortal, Mga banal na buhay ay babaguhin; Sabay-sabay sasalubong sa Kanya— Ating Hari’t Panginoon ay dumating!
[Wakas — Tahanan sa Wakas]
Di na dayuhang nananahan sa tolda, Lungsod na hinanap ay tahanan; Gaya ni Enoc, binago’t kinuha, Sasalubong sa Panginoon.
Gabi’y lumipas, lakbay ay tapos na, Makikita ang ating Minamahal; Kasama ng Panginoong nagligtas— Nakauwi sa piling ng Dios.
Kasama ng Panginoong nagligtas— Nakauwi sa piling ng Dios.
Lyrics by Zeres Vitto Tagalog adaptation by Zeres Vitto Copyright © 2026 Zeres Vitto. All rights reserved.