Перейти к содержимому

Paglilitis kay VP Sara, patas ba o mistrial? Pagkaing Pinoy, mas nakikilala na abroad! | MEMO

Bilyonaryo News Channel

0:00 / 0:00

Paglilitis kay VP Sara, patas ba o mistrial? Pagkaing Pinoy, mas nakikilala na abroad! | MEMO

5 189 просмотров · Трансляция закончилась 10 ч назад
Bilyonaryo News Channel
954 тыс. подписчиков
5 189 просмотров · Трансляция закончилась 10 ч назад
October 15, 2026 Episode Samahan si Korina Sanchez-Roxas sa #MEMO—usapang totoo na may talino at puso para mas maunawaan ang mga nangyayari sa ating paligid, dito lang sa Bilyonaryo News Channel. Mahigpit na sinuri ang mga pinakabagong legal at pampolitikang kaganapan sa Senate Impeachment Trial ni VP Sara Duterte kasama ang kanyang legal analyst at PDP-Laban National Spokesperson na si Atty. Ferdie Topacio. Tinalakay ang reaksyon ng kanyang kampo sa pagbawi ng House Prosecution Panel sa tatlo sa apat na impeachment charges, ang mga usapin ukol sa due process, at ang bigat ng ebidensya sa natitirang Article II kaugnay ng unexplained wealth, bank records, at AMLC reports. Tinutukan din ang mga implikasyon nito sa 2028 presidential elections, kabilang ang posisyon ng PDP-Laban at ang posibilidad ng pag-usbong ni Davao City Mayor Baste Duterte bilang alternatibong pambato ng partido. Pinalalim pa ang talakayan ukol sa mga kontrobersyal na usaping legal sa paglilitis kasama ang Dean ng John Wesley School of Law and Governance na si Atty. JV Bautista. Sinuri kung maituturing ba na mistrial ang proseso dahil sa pagbawi ng mga akusasyon, ang mga legal na pamantayan sa pagsusuri ng procedural irregularities, ang mga posibleng legal remedies ng depensa, pati na ang mga hakbang na dapat gawin ng Senado upang mapanatili ang transparency at kredibilidad ng Impeachment Court sa mata ng publiko. Pumasok naman ang programa sa usapin ng ating kultura at gastronomy kasama ang Department of Tourism (DOT) Director for Health and Wellness Tourism at Product Development na si Paulo Tugbang. Hihimayin ang natatanging tatak at kwento sa likod ng mga pagkaing Pilipino, ang mga putaheng may pinakamalaking potensyal sa international food scene, ang papel ng mga Filipino chefs sa ibang bansa, at ang mga natatanging kaugalyang Pinoy tulad ng "pag-sharon" o pagbabalot ng pagkain mula sa handaan upang mas maipakilala ang culinary tourism ng Pilipinas sa mundo. 🕥 7:30 a.m., Mondays - Fridays 📺 Free TV Ch. 31, Cignal Ch. 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV 📱 Cignal Play, BNC YouTube and Facebook Visit our website: https://bnc.bilyonaryo.com Check out our official social media accounts:   / bncphl     / bncdotph     / bnc.ph     / bnc.ph      / @bncphl   #bilyonaryonewschannel #bnc #memo #latestnews Warning: Unauthorized use of any BNC videos without proper approval will lead to legal action to the fullest extent of the law.