San Juan 5: 17-30 | Ibinigay niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol | March 18, 2026
PESMA Plus
0:00 / 0:00
San Juan 5: 17-30 | Ibinigay niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol | March 18, 2026
60 просмотров · 6 месяцев назад
PESMA Plus
913 подписчиков
60 просмотров · 6 месяцев назад
Dapat ninyong malaman na walang ginagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang; ang ginagawa lamang niya’y ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak. Sapagkat minamahal ng Ama ang Anak, at ipinakikita sa Anak ang lahat ng ginagawa niya. At higit pa sa mga ito ang mga gawang ipakikita sa kanya ng Ama at manggigilalas kayo. Kung paanong binubuhay ng Ama ang mga patay, gayun din naman, bubuhayin ng Anak ang sinumang nais niyang buhayin. Hindi humahatol kaninuman ang Ama. Ibinigay niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol upang parangalan ng lahat ang Anak, tulad ng kanilang pagpaparangal sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Amang nagsugo sa Anak.