Перейти к содержимому

Nariyan Pa Rin with lyrics || Composed by: Kuya Daniel Razon || MCGI

E&J Lyrics

0:00 / 0:00

Nariyan Pa Rin with lyrics || Composed by: Kuya Daniel Razon || MCGI

741 просмотр · 2 месяца назад
E&J Lyrics
101 подписчик
741 просмотр · 2 месяца назад
NARIYAN PA RIN SONG LYRICS Ang puso ko'y umaasa, tayo'y muling magkikita May araw na mawawala ang luha sa aking mata 'Pagkat ako'y nangulila nang araw na lumisan ka Nguni't nagtitiwala sa pag-ibig ng Diyos Ama Lagi akong magsisikap, makagawang buong sipag Matapos ang aking takbo at makapagwakas Pangarap ko na makita si Hesus na nililiyag Na Siyang iyong itinurong lalakarang dating Landas Alaalang nagbabalik, pangangaral mo sa 'min Wala kaming magagawa kung si Hesus, 'di kapiling Kaya't bilin mong palagi, utos Niya'y aming sundin Na kung ika'y mawawala, Siya'y laging nariyan pa rin Masakit man sa 'king puso ang biglaan mong paglisan Pag-asa'y 'di nawawala, ika'y nagpapahinga lang Muli nating itutuloy ang paggawang nasimulan Kung ako'y papalarin na Kaniyang kaawaan Alaalang nagbabalik, pangangaral mo sa 'min Wala kaming magagawa kung si Hesus, 'di kapiling Kaya't bilin mong palagi Utos Niya'y aming sundin Na kung ika'y mawawala, Siya ay laging nariyan pa rin Kung dumating na ang araw na ako na ang papanaw Ang dalangin ko sa Ama para sa 'king maiiwan Aral ng Diyos na dalisay ang palaging panghawakan Kung lahat man ay mawala, Siya'y palaging nariyan lang