It’s Showtime October 8, 2026 | Full Episode
ABS-CBN It's Showtime
0:00 / 0:00
It’s Showtime October 8, 2026 | Full Episode
11 120 просмотров · 6 ч назад
ABS-CBN It's Showtime
2,87 млн подписчиков
11 120 просмотров · 6 ч назад
HuweBEST kantahan ang sumalubong sa Madlang People! Isang pangmalakasang Air Supply performance ang pinerform nina "Tawag Ng Tanghalan" male champions JM Dela Cerna, Christian Tibayan, Riven Umali, JM Yosures, at Yannie Basical.
Magulo man ang usapan paminsan-minsan pero ang talakan ay naitatawid naman. Tamang laro lang sa "Miss Q and A" with candidates Cola Jane, Veena Loca Latak, at Ramona Baluno.
Na-test ang patience ni Vice Ganda dahil sa mga kandidata. Medyo not listening ang mga 'vadeng' kaya si Meme Vice, gulong-gulo sa usapan, pero gayunpaman, hindi mapigil ang halakhakan. Si Ramona, may malaking problema. Hindi siya nakapag-exam sa eskwela dahil daw sa "Miss Q and A," kaya ang sabi ni Meme, ayaw niyang madamay sa kabulastugan ng kandidata.
Hirit ni Meme, bagsak na sa school, 'lotlot' pa sa contest dahil si Ramona ang unang naligwak sa Tumpak Ganern round. Samantala, sa WIT Lang, umikot man nang bahagya pero nakarating naman sa finish line ang chukchak ni Cola sa tanong na, "Naha-heartbroken din ba ang puso ng saging?" Full of confidence rin ang pagtalak ni Veena as she took on the question, "Sino ang magulang ng anak pawis?"
Ang mga taga-Malabon, kumasa sa hamon. Sino kaya ang pinaka-lucky sa Laro Laro Pick game arena ngayon?
Aliw na medyo 'loading' at 'struggle is real' ang kuwentuhan ng hosts with nanay Marita, na tubong-Malabon talaga. Maya-maya pa, si Vice Ganda napagod na. Pero na-touch din siya sa kabutihan ni Marita, na pinaalala sa kan'ya ang lambing ng isang ina.
Chill naman ang chikahan with Jocar, na mula sa pagiging rider ay magsisimula na sa bagong trabaho sa call center. Paano nga ba dapat umangkas sa motor? Si Vice Ganda, may pag-demo! Sa paalog-alog niyang galawan, siguradong ika'y mapapa-LOL!
Ang swerte ay dumapo kay player Mari. Para bang lucky charm niya ang kanyang 'moon' tattoo na simbolo ng 'liwanag sa dilim.' Speaking of tattoos, ni-reveal din ni Vice Ganda ang dalawa sa tattoos niya, while the other hosts shared kung ano ang gusto nilang ipa-tattoo kung may pagkakataon.
#ShowtimeOctTODO
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment