Перейти к содержимому

Agenda | October 21, 2026

Bilyonaryo News Channel

0:00 / 0:00

Agenda | October 21, 2026

80 362 просмотра · Трансляция закончилась 12 часов назад
Bilyonaryo News Channel
959 тыс. подписчиков
80 362 просмотра · Трансляция закончилась 12 часов назад
Tampok sa #Agenda ang paghamon ng Malacañang sa desisyon ng Korte Suprema na nagdeklara ng ilang probisyon ng 2024 at 2025 national budget bilang unconstitutional, ang panawagan mismo ng contractor para imbestigahan ng COA ang hospital extension project sa Mountain Province, at ang kumpirmasyon ng DOJ na nasa Pilipinas pa rin ang bilyonaryong gambling boss na si Atong Ang. Alamin din ang imbestigasyon ng PSA sa halos 50,000 birth certificates na kahalintulad ng kaso ni Alice Guo, ang tumitinding tensiyon sa pagitan ng mga mambabatas at Chinese envoy na pinasok ni VP Sara Duterte, at ang muling paghahambing ng netizens sa fashion icons na sina Pia Wurtzbach at Heart Evangelista. Kabilang sa mga tampok na balita: • Ilang probisyon ng 2024 at 2025 national budget, unconstitutional ayon sa Korte Suprema. Malacañang, hahamon sa ruling na posibleng maging basehan ng panibagong impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos. • Exclusive! Hospital extension project sa Mountain Province, mismong contractor ang humiling ng pagsisiyasat sa COA. Dalawang taon nang tapos, pero bakit hindi pa rin napapakinabangan? • Nasaan na nga ba si Atong Ang? Bilyonaryong gambling boss, nasa Pilipinas pa rin, ayon sa DOJ. • Halos 50,000 birth certificates na kahalintulad ng kaso ni Alice Guo, iniimbestigahan ng PSA dahil posibleng nagamit sa illegal POGO operations. • Tensiyon sa pagitan ng mga mambabatas at Chinese envoy, lalo pang umigting. VP Sara Duterte, nag-referee sa gitna ng palitan ng maaanghang na pananalita. • Kween Things Only! Pia Wurtzbach at Heart Evangelista, muling pinagtapat ng netizens. Sino ang mas may angas sa fashion game? Samahan sina Pinky Webb, Willard Cheng, at Apple David sa pagtutok sa mga pinakamaiinit na isyu ng lipunan. 🕛 6 p.m., Mondays to Fridays 📺 Free TV Ch. 31, Cignal Ch. 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV 📱 Cignal Play, BNC YouTube and Facebook Visit our website: https://bnc.bilyonaryo.com Check out our official social media accounts:   / bncphl     / bncdotph     / bnc.ph     / bnc.ph      / @bncphl   #BNC #PHNews #NationalBudget #AtongAng #AliceGuo #PiaWurtzbach #HeartEvangelista Warning: Unauthorized use of any BNC videos without proper approval will lead to legal action to the fullest extent of the law.