Miss Q&A candidate, pakakasalan ang nanay ng mga anak! | It's Showtime | September 8, 2026
ABS-CBN It's Showtime
0:00 / 0:00
Miss Q&A candidate, pakakasalan ang nanay ng mga anak! | It's Showtime | September 8, 2026
12 092 просмотра · 10 часов назад
ABS-CBN It's Showtime
2,86 млн подписчиков
12 092 просмотра · 10 часов назад
Si Will Ashley, may bagong paborito? Na-miss daw ng ex-"PBB Collab" housemate ang Madlang People, kaya super happy siyang makabalik with good news and performance featuring his debut single na “Paborito.”
Classic OPM feels naman ang hatid ng isa pang bisita na si Ivy Violan, na thankful sa success ng OPM.
Pumasok sa "It's Showtime" area of responsibility ang Signal No. 4 na lakas ng tatlong kandidatang nagbabalik para sa Resbakulawan round–sina Bong Bong Tagulao, Adam Lambert, at Manika.
Patunay si Bong Bong na hindi lamang iisa ang mukha ng masaya at mapagmahal na pamilya. Twenty-one years strong na ang pagsasama nila ng partner, at may dalawa na silang anak. Ipinakilala ni Bong Bong ang partner at anak kay Vice Ganda, na na-touch dahil proud na proud sina Bong Bong sa binuong ‘modern family.’
Mula sa nakakaantig na kuwentuhan, balik-talak naman ang mga kandidata nang sumabak sila sa Wit Lang round at bumunot ng playtime questions.
Sina Adam at Manika ang umabante sa Beklamation round, kung saan hinarap nila ang tanong na, “Anong sa palagay mo ang naituturo ng pagkatalo na hindi naituturo ng panalo?”
Numero uno ang saya sa Laro Laro Pick game arena, lalo na sa pagdating ng mga players na nagmula pa sa Concepcion I, Marikina.
Ang nag-emerge na numero uno sa mga challenges at laro ay walang iba kundi si player Isa, na rumaraket sa pamamagitan ng pagttitinda ng samu’t saring kutkutin. For today’s video, ang P350,000 POT money naman ang goal niyang kunin.
#ShowtimeSeptemBEST
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment