Перейти к содержимому

HOLY MASS TODAY HEALING LIVE MASS at Santo Padre Pio International Shrine * Oktubre 23, 2026 6AM

Catholic Mass Today Live (CMTL)

0:00 / 0:00

HOLY MASS TODAY HEALING LIVE MASS at Santo Padre Pio International Shrine * Oktubre 23, 2026 6AM

7 571 просмотр · Трансляция закончилась 1 дн. назад
Catholic Mass Today Live (CMTL)
173 тыс. подписчиков
7 571 просмотр · Трансляция закончилась 1 дн. назад
FILIPINO CATHOLIC MASS TODAY LIVE HEALING MASS (I|) October 23, 2026 BIYERNES ng Ika-29 Linggo sa KARANIWANG PANAHON (II) Paggunita kay San Juan Capistrano, pari BANAL NA MISA. Online Mass | UNANG PAGBASA Efeso 4, 1-6 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, ako na isang bilanggo dahil sa Panginoon ay namamanhik sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Kayo’y maging mapagkumbaba, mabait, at matiyaga. Magmahalan kayo at magpaumanhinan. Pagsumikatan ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng buklod ng kapayapaan. Iisa lamang ang katawan at iisa lamang ang Espiritu; gayun din naman, iisa lamang ang pag-asa ninyong lahat, dulot ng pagkatawag sa inyo ng Diyos. May isa lamang Panginoon, isang pananampalataya, at isang binyag, isang Diyos at Ama nating lahat. Siya’y higit sa lahat, gumagawa sa lahat, at sumasalahat. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Ang buong daigdig, lahat ng naroon, may-ari’y ang Diyos, ating Panginoon; ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y ilalim ng lupa, tubig kalaliman. Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Sino ang marapat umahon sa burol, sa burol ng Poon, sino ngang aahon? Sino’ng papayagang pumasok sa templo? sino’ng tutulutang pumasok na tao? Siya, na malinis ang isip at buhay, na hindi sumamba sa diyus-diyusan; tapat sa pangako na binibitiwan. Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Ang Panginoong Diyos, pagpapalain siya, ililigtas siya’t pawawalang-sala. Gayun ang sinumang lumalapit sa Diyos silang lumalapit sa Diyos ni Jacob. Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. ALELUYA Mateo 11, 25 Aleluya! Aleluya! Papuri sa Diyos Ama pagkat ipinahayag n’ya Hari s’ya ng mga aba! Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 12, 54-59 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Kapag nakita ninyong makapal ang ulap sa kanluran, sinasabi ninyong uulan, at gayun nga ang nangyayari. At kung umihip ang hanging timog ay sinasabi ninyong iinit, at nagkakagayon nga. Mga mapagpaimbabaw! Marunong kayong bumasa ng palatandaan sa lupa’t sa langit, bakit hindi ninyo mabasa ang mga tanda ng kasalukuyang panahon? Bakit hindi ninyo mapagpasiyahan kung alin ang matuwid? Kapag isinakdal ka sa hukuman, makipag-ayos ka sa nagsakdal habang may panahon; baka kaladkarin ka niya sa hukuman, at ibigay ka ng hukom sa tanod, at ibilanggo ka naman nito. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga’t hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) International Shrine of Saint Padre Pio - Batangas