Перейти к содержимому

Santo Domingo Church - National Shrine of Our Lady of the Holy Rosary of La Naval de Manila

Lakbay-Nilay

0:00 / 0:00

Santo Domingo Church - National Shrine of Our Lady of the Holy Rosary of La Naval de Manila

77 просмотров · 4 дн. назад
Lakbay-Nilay
544 подписчика
77 просмотров · 4 дн. назад
Lakbay-Nilay tayo sa Sto. Domingo Parish at Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario de La Naval de Manila! Ito ang punong himpilan ng Ordeng Dominikano sa Pilipinas at dito ay ipinagdiriwang ang Kapistahan ni San Martin de Porres na ginugunita natin ngayong Nobyembre 3. Nawasak ang orihinal na simbahan ng parokyang ito sa Intramuros, Maynila at noong dekada 50 ay nagtayo ng kapalit nito sa Lungsod Quezon. Dito nakadambana ang imahen ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario de La Naval na tanda ng patuloy Niyang pagtatanggol laban sa mga nais kumubkob sa ating bayan. Si San Martin de Porres ay tagapagtanggol naman sa ibang uri ng pang-aapi - ang racism. Siya rin ay nanggagamot at nagsasagawa ng surgery dahil siya ay barbero at ang mga barbero sa panahong iyon ay kayang magsagawa ng minor surgery. Siya rin ang nagturong manaig ang pag-ibig sa kapuwa, huwag mangmaliit at huwag maglagay ng limitasyon dito. Dahil sa kaniyang kabanalan, kaya rin niyang utusan ang mga hayop lalo na ang mga daga na huwag maminsala at kaya niyang mag-bilocate o mapunta sa dalawang lugar sa iisang pagkakataon at minsan pa siyang nag-bilocate dito sa Pilipinas! Nawa ang mga Dakilang Banal na mga Dominikano na pinipintakasi sa simbahang ito ay ating sikaping tularan at lakaran natin ang kanilang landas patungo sa Buhay na walang hanggan.