TV Patrol Throwback (1998): Erap prinoklamang pangulo ng Pilipinas
ABS-CBN News
0:00 / 0:00
TV Patrol Throwback (1998): Erap prinoklamang pangulo ng Pilipinas
26 521 просмотр · 5 мес. назад
ABS-CBN News
19,3 млн подписчиков
26 521 просмотр · 5 мес. назад
Ganap na 4:45 ng hapon noong Mayo 29, 1998 nang iproklama ng Kongreso si Joseph “Erap” Ejercito Estrada bilang ika-13 Pangulo ng Pilipinas. Nagtamo siya ng halos 40 porsyento ng mga boto sa pinakamalaking electoral mandate sa kasaysayan ng bansa hanggang noon.
Kasabay ring iprinoklama ang taga-karibal na partidong si Gloria Macapagal-Arroyo bilang kanyang Bise Presidente.
Kasunod ng proklamasyon ni Erap, bahagi nito ang pangako niyang dadalo sa opisyal na pagdeklara ng mga nanalong senador noon sa Philippine International Convention Center.
Pinaalalahanan din siya na huwag mangialam sa pagpili ng Senate President, kung saan ang naglalaban-laban sa pwesto ay sina Senador Franklin Drilon, Blas Ople, at Marcelo Fernan.
June 30, 1998 sila pormal na naupo sa pwesto. Hiwalay ang seremonya ng inagurasyon ni Estrada. Nanumpa siya sa tungkulin sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan, habang nagbigay ng inaugural address sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Nabalot sa mga alegasyon ng katiwalian, cronyism, at magarang pamumuhay ang administrasyon ni Estrada na nauwi sa impeachment trial–ang kauna-unahan sa bansa.
Pagkaraan ng halos tatlong taon sa puwesto, napatalsik si Estrada kasunod ng EDSA Dos at pinalitan ni Arroyo bilang pangulo.
Balikan ang mga ulat ng TV Patrol mula sa araw ng proklamasyon.
Mga ulat nina:
Kabayan Noli De Castro
Pia Hontiveros
Gigi Grande
Henry Omaga Diaz
Rowena Orejana
For more ABS-CBN News videos, click the link below:
• ABS-CBN News
For more Breaking News & Live Coverage videos, click the link below:
• Breaking News & Live Coverage
For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below:
• The latest news and analysis from ABS-CBN ...
For more News Digital News Raw Cuts, click the link below:
• Плейлист
Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews
Watch full episodes on iWant for FREE here:
http://iwanttfc.com
Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: / abscbnnews
Twitter: / abscbnnews
Instagram: / abscbnnews
#TVPatrolThrowback
#ABSCBNNewsArchives
#LatestNews
#ABSCBNNews