GALAK SA GITNA NG PAGSUBOK
Ivan Valenzuela Official
0:00 / 0:00
GALAK SA GITNA NG PAGSUBOK
115 просмотров · 2 недели назад
Ivan Valenzuela Official
11 подписчиков
115 просмотров · 2 недели назад
#originalchristiansong #christianmusic #jesus #faith #gospel
GALAK SA GITNA NG PAGSUBOK
Lyrics by: Ivan B. Valenzuela
Arranged by: @ivn.ptrc30
Date Written: July 10, 2026
[intro]
Aking narinig, katawan ay nanginginig
Nangangatal ang labi sa Iyong tinig
[enter piano build up]
[verse 1]
Kabulukan ay pumasok sa aking mga buto
Hakbang ko’y nanginginig sa gitna ng gulo
Ngunit ako’y tahimik na maghihintay
Sa araw ng paghusga na Iyong ibibigay
[pre chorus]
Bagama’t ang puno ng igos ay 'di mamulaklak
At sa mga ubas ay walang maipitas na galak
Ang olibo’y walang bunga, bukid ay walang ani
Wala nang bakahan, ang kawan ay napawi
[chorus]
Gayunma’y magagalak ako sa PANGINOON!
Magagalak sa Diyos na aking kaligtasan!
Siya ang aking lakas, Siya ang aking gabay
Sa Kanya ang papuri magpakailanman!
[verse 2]
Ang Diyos, ang PANGINOON, ang aking kalakasan
Ginagawa Niyang matatag ang aking hantungan
Tulad ng sa mga usa, paa ko'y Kanyang binabago
Upang makaakyat sa matataas na dako
[pre chrous]
Bagama’t ang puno ng igos ay 'di mamulaklak
At sa mga ubas ay walang maipitas na galak
Ang olibo’y walang bunga, bukid ay walang ani
Wala nang bakahan, ang kawan ay napawi
[chorus]
Gayunma’y magagalak ako sa PANGINOON!
Magagalak sa Diyos na aking kaligtasan!
Siya ang aking lakas, Siya ang aking gabay
Sa Kanya ang papuri magpakailanman!
[bridge]
Kahit mawala ang lahat sa mundong ito
Ang Panginoon pa rin ang tahanan ko
Hindi matitinag, hindi mabubuwal
Sa piling ng Diyos na puno ng mahal
[outro, chorus]
Gayunma’y Magagalak ako sa PANGINOON!
Magagalak sa Diyos na aking kaligtasan!
Siya ang aking Lakas, Siya ang aking Gabay
Sa Kanya ang papuri magpakailanman!
[music fades]
Pinalalakad sa matataas na dako...
Sa Diyos ng aking kaligtasan,
Ako ay magagalak.