Miss Q&A: Paano mag-birthday party ang mga beki! | It's Showtime | September 29, 2026
ABS-CBN It's Showtime
0:00 / 0:00
Miss Q&A: Paano mag-birthday party ang mga beki! | It's Showtime | September 29, 2026
10 997 просмотров · 5 часов назад
ABS-CBN It's Showtime
2,87 млн подписчиков
10 997 просмотров · 5 часов назад
Kilig harana ang hatid ng bisitang si John Rex Baculfo, who shared that it feels nice to be back onstage singing his new single, na tungkol sa mga taong patuloy na umaasa. Napahugot si John Rex doon ah!
Sa tanungan at talakan, bawal ang sabaw at lutang. Dapat mabilis mag-isip at mas okay rin 'yung chukchak na may halong tapang. Tatlong reyna muli ang sumabak sa "Miss Q and " daily round sa "It's Showtime."
Maraming baon sina Lianne Marie Etorma, Jerica Arboleda Ibarra, at Reign Manzano Gaboy pagdating sa kalokohan, syempre pati na rin sa talakan. Si Lianne nga ba ang totoong panganay ni Ogie Alcasid? "Kalokalike" ang hatol ng mga nagmamasid.
Si Jerica naman, pitong taon lamang nang magsimulang sumabak sa pageants. Kahit madalas talo, bakit hindi siya nagasasawang sumali sa mga patimpalak na ganito? At matapos malotlot ni Lianne, si Ogie nagbigay ng words of wisdom.
Sa "Wit Lang" round, nabunot ni Reign ang tanong na, “Sino ang anak ng mag-asawang sampal?” Laro rin ang tanong na napili ni Jerica, “Sa iyong palagay, mabaho ba ang hininga ng kaututang dila?”
Mapapaisip ka talaga sabay matatawa katulad ng na-feel nina hurado Pokwang, River Joseph, at Nicole Cordoves. Si 'Mamang' Pokwang, nilaro rin ang comment. Nahilo raw siya sa sagot ng isang kandidata, na sa sobrang lalim parang pwede nang hukayin.
Mga taga-Dela Paz, Antipolo, Rizal ang sumabak sa Laro Laro Pick game arena. Parang rollercoaster ang kuwentuhan ng hosts kay player Lizel, na naging 'judge' pa sa isang impromptu papogian portion ng male hosts. Sino nga ba ang pinakagwapo? Nanguna sa ranking si Vhong Navarro, at si Ogie Alcasid naman ang inilagay sa dulo, kaya siya ang naging target ng panunukso.
Umabante sa jackpot round si player Monique, isang volunteer tanod sa kanilang barangay. Para siguradong may maiuuwi, dedma na si Monique sa P400,000 POT question at tinanggap ang P30,000 offer na malaking tulong na raw para sa needs ng pamilya.
#ShowtimeSetyemBEST
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment