COMELEC: MAPAYAPA ANG PANAHON NG KAMPANYA SA MAGUINDANAO DEL NORTE,
PRIMETIMENEWSCOTABATO
0:00 / 0:00
COMELEC: MAPAYAPA ANG PANAHON NG KAMPANYA SA MAGUINDANAO DEL NORTE,
258 просмотров · 4 недели назад
PRIMETIMENEWSCOTABATO
8 подписчиков
258 просмотров · 4 недели назад
Sa kabila ng paghahanda para sa 2026 BARMM Parliamentary Election, nananatiling generally peaceful ang pangangampanya sa Maguindanao del Norte, ayon kay Provincial Election Directir Atty. Mohammad Nabil Mutia.
Ito ang sinabi ni Mutia kasunod ng isinagawang peace covenant signing na nilahukan ng mga kandidato mula sa limang bayan sa Maguindanao del Norte.
Aniya, magandang senyales ang pagdalo ng mga kandidato sa programa, kabilang ang mga kandidatong walang katunggali sa kanilang distrito.
Ang peace covenant signing ay inisyatiba ng 2nd Marine Rifle Battalion sa ilalim ng 1st Marine Brigade, katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Layunin aniya ng peace covenant na maiwasan ang anumang uri ng karahasan, hindi lamang sa panahon ng kampanya kundi lalo na sa mismong araw ng halalan.
Nanawagan din ang opisyal na hayaang makaboto nang malaya ang mga mamamayan upang maiwasan ang failure of elections, lalo’t ito ang kauna-unahang BARMM Parliamentary Election.
Wala rin umanong plano ang COMELEC na isailalim sa COMELEC control ang Maguindanao del Norte matapos ang isinagawang evaluation, dahil manageable naman ang sitwasyon sa lugar.
Gayunman, sinabi niyang patuloy na paiigtingin ang seguridad sa pamamagitan ng dagdag na checkpoints at police at military visibility upang matiyak na hindi na mauulit ang mga insidenteng maaaring makagambala sa halalan.
Kabilang sa mga nabanggit na malungkot na pangyayari ang ambush sa convoy ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua sa Barangay Bito, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Sa huli, hinikayat ni Mutia ang mga botante na lumabas sa araw ng halalan at malayang piliin ang kandidatong sa tingin nila ay makatutulong sa Bangsamoro. // Primetime News Cotabato by Jasper C. Acosta
August 21 2026