MAGALAK KAYONG LAHAT [Exultet - Samonte] (lyrics at the description) - Cover music by Ricci Picache
Ricci Picache
0:00 / 0:00
MAGALAK KAYONG LAHAT [Exultet - Samonte] (lyrics at the description) - Cover music by Ricci Picache
15 216 просмотров · 7 лет назад
Ricci Picache
5,17 тыс. подписчиков
15 216 просмотров · 7 лет назад
MAGALAK KAYONG LAHAT (Exultet) - Salin sa wikang Filipino at ito'y naglalaman ng pitong bersikulo. Inaawit sa Banal na Misa ng Sabado de Gloria na may saliw ng sayaw. Musika ay likha ni Fr. GBoi Samonte. Another cover music by yours truly. Stay safe and God bless!
Please support and subscribe to Fr. Gboi Samonte's channel by clicking the link below
/ @ohmygeeboi1963 Thank you!
For lyrics:
Magalak kayong lahat sa kalangitan, kayong mga anghel ay mag-awitan, magalak kayong lahat na
mapapalad na nilikha na nakapaligid sa luklukan dakila.
TUGON: Magalak ng lubos ang buong sambayanan sa kal’walhatian lahat tayo’y magdiwang sa
ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob. Siya’y muling nabuhay tunay na manunubos.
Si Kristo na ating hari ay nabuhay na mag-muli. Hipan natin ang tambuli nitong ating kaligtasan.
Magalak o sanlibutan sa ningning ng ating ilaw. Si Kristo na walang maliw ay pumaram sa dilim. (T)
Itaas sa kalangitan ating puso at isipan Diyos Ama’y pasalamatan sa Anak niyang nabuhay
Sapagkat tapat S’yang tunay sa Kanyang pananagutan Para sa kinabilangan Niya na sambayanan.(T)
Ngayon nga ang kapistahan ni Hesukristong nag-alay Ng Kanyang sariling buhay, nagtiis ng kamatayan.
Ang minanang kasalanan, ang dating kaalipina’y Sa tubig pawing naparam, kalayaa’y nakamtan.(T)
Ngayon nga ang pagdiriwang ng ating muling pagsilang Sa tubig ng kaligtasan na batis ng kabanalan.
Pagkat mula sa libingan bumangon na matagumpay Mesiyas ng sanlibutan si Hesus nating Mahal.(T)
D’yos Ama ng sanlibutan, tunay na walang kapantay Pag-ibig Mo’t katapatan para sa mga hinirang.
Handog Mo’y kapatawaran sa lahat ng kasalanan Higit sa lahat Mong alay si Hesus naming Mahal.(T)
Dahil sa kaligayahang sa ami’y nag-uumapaw Hain naming itong ilaw, sagisag ng pagkabuhay
Tunay na kaliwanagang hatid ni Hesus na tanglaw Ang dilim ng kamatayan ay napawi’t naparam.(T)
Ang araw ng kaligtasan, si Hesus, bukang liwayway Walang maliw na patnubay sa landas ng
Kaligtasan. Hatid N’ya’y kapayapaan, lakas mo at pagmamahal Upang aming magampanan aming pananagutan.(T)
#Magalak #Exultet #FrGboiSamonte #coversong #RicciPicache