Hindi Na Mananahimik — JubalRhythm (Official Lyric Video)
JubalRhythm
0:00 / 0:00
Hindi Na Mananahimik — JubalRhythm (Official Lyric Video)
284 просмотра · 1 мес. назад
JubalRhythm
6,88 тыс. подписчиков
284 просмотра · 1 мес. назад
I was given an opportunity to share in our Midweek Service about KILL THAT FROG! – WEEK 2: ANG SALA (LIVING ROOM) with the theme:
“TODAY, KILL THE FROG YOU IGNORE / SILENCE”
Patayin ang diyosa ng “OKAY LANG”
After sharing the message, I felt that this topic needed to be put into a song.
This song is about those things na matagal na nating naririnig sa puso natin pero pinipili nating manahimik.
Yung mga bagay na sinasabi natin na:
“Okay lang.”
“Wala naman.”
“Matagal na yun.”
“Hayaan mo na.”
“Lilipas din yan.”
Pero deep inside, alam natin na hindi talaga okay.
Inspired by the story of David, Absalom, Amnon, and Tamar in 2 Samuel 12–15, nakita natin kung paano ang isang problemang hindi hinaharap at isang sakit na hindi napag-uusapan ay maaaring lumalim habang lumilipas ang panahon.
Sometimes, we think that silence means peace.
Pero hindi lahat ng tahimik ay healed.
Minsan tahimik lang tayo dahil ayaw nating harapin.
Minsan sinasabi nating okay lang dahil hindi natin alam kung paano magsisimula.
At minsan, nasanay na lang tayo sa isang bagay na matagal nang kailangang ayusin.
“Ang totoong nakikinig, dapat may ginagawa.”
Hindi sapat na narinig natin ang boses ng Diyos. May response na hinihintay ang Diyos sa atin.
“Today, if you hear his voice, do not harden your hearts.”
— Hebrews 3:15
Kaya habang pinapakinggan ninyo ang kantang ito, sana maging personal din itong prayer.
Ano yung bagay na matagal mo nang tinatawag na “okay lang,” pero alam mong hindi naman talaga okay?
Maybe today is the time to stop ignoring it.
Hear it. Trace it. Face it.
Dalhin natin kay Lord yung pain, yung sama ng loob, yung mga bagay na hindi natin masabi, at yung mga sugat na matagal na nating tinatago.
Hindi para balikan ang nakaraan, kundi para hayaan si Lord na gumawa sa puso natin ngayon.
Don't wait for tomorrow.
Break the silence.
Kill that frog now.
“Your silence today cannot be your peace tomorrow.”
May this song remind us that sometimes, healing begins when we finally stop saying “Okay lang” and start bringing everything honestly before God.
God bless us, and I pray this song speaks to your heart.
🎵 Follow JubalRhythm on all platforms!
Want to listen, follow, and connect with us?
All JubalRhythm links are here in one place:
https://hyperfollow.com/Jubalrhythm
Find us on:
• Spotify
• Facebook
• TikTok
• YouTube Music
• Other streaming platforms
For inquiries, collaborations, or ministry-related messages:
📧 Email:jubalrhythm@gmail.com
Thank you for supporting JubalRhythm as we share Bible-inspired worship songs. May every song bring encouragement, hope, and praise to our Lord.
Hindi na mananahimik
Jubalrhythm
[Verse 1]
Matagal ko nang itinago
Ang sakit na di masabi
Ngumingiti sa harapan
Pero may luha sa gabi
Akala ko'y lumipas na
Dahil hindi ko na dama
Ngunit sa puso kong tahimik
May sugat pang dinadala
[Pre-Chorus]
Hindi pala kapayapaan
Ang katahimikang aking kinagisnan
[Chorus]
Panginoon, suriin Ninyo ako
Pakinggan Ninyo ang puso ko
Ang lahat ng aking tinawag na
“Okay lang,” ilalapit ko sa Inyo
Turuan Ninyo akong harapin
Ang sakit na matagal kong kinimkim
Hindi na ako mananahimik
Sa harap Ninyo, magiging totoo ako
[Verse 2]
Kayo ang Diyos na nakakaalam
Bago ko pa man masabi
Kayo'y nananatiling malapit
Kahit ako'y nananahimik
Kaya hindi na ako magtatago
Hindi ko na itatakip pa
Ang pusong pagod nang manahimik
Ay sa Inyo'y magtitiwala
[Pre-Chorus]
Hindi pala kapayapaan
Ang katahimikang aking kinagisnan
[Chorus]
Panginoon, suriin Ninyo ako
Pakinggan Ninyo ang puso ko
Ang lahat ng aking tinawag na
“Okay lang,” ilalapit ko sa Inyo
Turuan Ninyo akong harapin
Ang sakit na matagal kong kinimkim
Hindi na ako mananahimik
Sa harap Ninyo, magiging totoo ako
[Bridge]
Kayo ang nakakakita
Kayo ang nakikinig
Kayo ang nakakaalam
Ng lahat ng aking daing
Wala akong kailangang itago
Wala akong kailangang ikubli
Dahil sa Inyo, Panginoon
Lubos Ninyo akong kilala
[Final Chorus]
Panginoon, suriin Ninyo ako
Pakinggan Ninyo ang puso ko
Ang lahat ng aking tinawag na
“Okay lang,” ilalapit ko sa Inyo
Turuan Ninyo akong harapin
Ang sakit na matagal kong kinimkim
Hindi na ako mananahimik
Sa harap Ninyo, magiging totoo ako
Panginoon, suriin Ninyo ako
Pakinggan Ninyo ang puso ko
Ang lahat ng aking tinawag na
“Okay lang,” ilalapit ko sa Inyo
Turuan Ninyo akong harapin
Ang sakit na matagal kong kinimkim
Hindi na ako mananahimik
Sa harap Ninyo, magiging totoo ako
#JubalRhythm #KillThatFrog #TagalogWorship #ChristianWorship #AngSala #OkayLang #BreakTheSilence #FilipinoWorship #TagalogChristianMusic #2Samuel