Перейти к содержимому

Ama Namin II - Ferdinand M. Bautista (Arr. Louie Angelo B. Oca)

St. Polycarp Youth Choir

0:00 / 0:00

Ama Namin II - Ferdinand M. Bautista (Arr. Louie Angelo B. Oca)

917 просмотров · 1 год назад
St. Polycarp Youth Choir
1,37 тыс. подписчиков
917 просмотров · 1 год назад
AMA NAMIN II Himig: Ferdinand M. Bautista Pagsasaayos: Louie Angelo B. Oca MAIKLING PALIWANAG Ang Oratio Dominica ay ang Panalanging itinuro sa atin ng Panginoon. Binubuo ito ng dalawang Panalangin: Ama Namin at Sapagkat, na pinapagitanan ng embolismo ("Libera quasumus..."), isang orasyon para kapayapaan at kaligtasan laban sa masama. Samakatuwid, ito ang interpolasyon ng huling panambitan. Ang unang bahagi – ang Ama Namin (Lat. Pater Noster) ay ang panalangin iniwan sa atin ni Jesus. Taglay nito ang huwaran at kumpletong formula ng isang dasal: may pagkilala sa Diyos, pagpapasakop sa kaniyang banal na kalooban, at pitong petisyon. Dalawang bersyon nito ang makikita sa mga Ebanghelyo (Mt. 6:9–13; Lc. 11:2–4). Naging bahagi ang dasal na ito sa liturhiya, partikular na sa Banal na Misa noong ika–4 na siglo, at kapwa sa Panalangin sa Umaga at Takipsilim (Lauds & Vespers) sa kasalukuyang Ritu Romano. Ipinagtutoo pa mula sa isang matandang dokumento noong 100–200 AD ang paglalahad ng pagdarasal nito para sa mga Cristiano (Didache VIII, 2–3). Sa kabilang banda, ang Sapagkat naman ay tanging makikita lamang sa Mt. 6:13 bilang bahaging kaugnay ng Ama Namin ngunit ipinagutos rin sa Didache na dasalin kasama niyon gaya nang nasa bersyon ni San Mateo. Dati rati, ang Sapagkat ay hindi kasama sa Banal na Misa ngunit matapos ang reporma ng 1969 ay idinagdag upang basahin o awitin makaraan ang embolismo. *********************************** Mga Awiting Pansamba para sa Karaniwang Bahagi ng Misa