Перейти к содержимому

Matandang Estudyante, Kinahiya ng Anak, Naging Valedictorian

POTG PLAY

0:00 / 0:00

Matandang Estudyante, Kinahiya ng Anak, Naging Valedictorian

2 275 просмотров · 21 час назад
POTG PLAY
4,56 тыс. подписчиков
2 275 просмотров · 21 час назад
Matagal nang pangarap ng isang ina na makapagtapos ng pag-aaral. Pero noong bata pa siya, isinakripisyo niya ang sariling edukasyon upang mapalaki ang kanyang anak. Ngayong matanda na siya, nagpasya siyang bumalik sa eskuwelahan at tuparin ang pangarap na matagal niyang isinantabi. Pero sa halip na suportahan siya, sarili niyang anak pa ang nahihiya sa kanya. Sa school, itinatanggi nitong ina niya ang matandang estudyante. Hinahayaan siyang pagtawanan at maliitin. At kapag kailangan ng pera, kinukuha pa nito ang natitirang baon ng sariling ina. Isang araw, para lamang hindi mapahiya sa mga kaklase, pinagbintangan pa nitong magnanakaw ang sariling nanay. Pero alam ng mga guro ang katotohanan. At habang patuloy siyang minamaliit ng anak, may isang bagay silang hindi alam. Ang matandang estudyante ay isa pala sa pinakamagaling sa kanilang paaralan. Hanggang sa dumating ang balitang hindi niya inaasahan... *SIYA ANG VALEDICTORIAN NG KANILANG BATCH!* Pero kahit pagkatapos ng lahat ng pang-aapi, handa pa rin siyang isakripisyo ang sariling pangarap para mailigtas ang anak sa kapahamakan. At nang dumating ang pinakamahirap na pagsubok sa buhay ng anak, siya pa rin ang unang tumayo sa tabi nito. Patutunayan niyang walang edad ang pangarap. At hindi kailanman huli ang lahat para makapagsimula muli. Panoorin ang MATANDANG ESTUDYANTE, KINAHIYA NG ANAK, NAGING VALEDICTORIAN! Subscribe sa POTG Studio para sa mas marami pang Pinoy drama at Filipino stories. #MatandangEstudyante #Valedictorian #PangarapMakapagtapos #PinoyDrama #POTGStudio