Перейти к содержимому

GAANO KABAGSIK ANG MAUTE GROUP?

Utol Ford

0:00 / 0:00

GAANO KABAGSIK ANG MAUTE GROUP?

274 414 просмотров · 3 недели назад
Utol Ford
381 тыс. подписчиков
274 414 просмотров · 3 недели назад
Sino ba naman ang makakalimot sa mga itsura ng mga taong ito tol na makikitang nagpaplano ng pinakamalaki at pinakamatinding terror sa mismong Islamic City ng Pilipinas, ang Marawi. Sinakop nila ang malawak at mga mahahalagang lugar ng Marawi lalo na ang sentrong komersiyal upang maparalisa ang buong lungsod, mapalikas ang halos lahat ng residente at para bang buong lungsod ang biglang nahulog sa kamay ng mga teroristang ito. Matindi talaga ang paghihirap ng mga pwersa ng gobyerno para lang malipol o mapuksa ang grupong ito. Magmula sa pagpapadala ng Philippine Army, armor, artillery, at mga elite forces nito gaya ng mga scout ranger at light reaction regiment, pati special forces airborne, pati PNP at elite force nito na SAF, hanggang sa Philippine Navy, NAVSOG, Marines, Cost Guard hanggang sa Philippine Airforce. Umabot pa sa puntong kinailangan pa ng tulong ng ibang bansa at umabot ang labanan hanggang limang buwan. Tinagurian itong pinakamatindi at pinakamahabang urban warfare sa modernong kasaysayan ng Pilipinas. Paano nagawang pahirapan ng grupong ito ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na ang bangunguot sa buong lungsod ng Marawi at maging sa buong Pilipinas ay umabot sa limang buwan na tatatak sa kasaysayan at hinding-hindi na malilimutan kailanman? Tol ang mga magkakapatid na ito ay galing sa angkan ng Maute. Sa unang tingin, ordinaryong pangalan lamang ang “Maute.” Ngunit apelyido ito ng isang kilala at maykayang angkan mula sa Butig, Lanao del Sur. Ngunit sa loob lamang ng ilang taon, ang pangalang iyon ay naging kaugnay ng pagsalakay sa mga bayan, pambobomba sa Davao, paglusob sa isang kulungan, at sa pinakamahabang labanan sa lungsod sa makabagong kasaysayan ng Pilipinas. Ang sentro ng kuwento ay sina Omarkhayam “Omar” Maute at Abdullah Maute, mga anak nina Cayamora Maute at Ominta Romato Maute, na mas kilala bilang Farhana. Hindi sila nagmula sa isang dukhang pamilya na walang impluwensiya. Ang mga Maute ay isang maykaya at politically connected na angkan na may mga ari-arian sa Mindanao at Maynila at mga negosyong iniulat na kinabibilangan ng construction, furniture at used-car trading. Noong June 21, 2016, naglabas ang official ISIS media ng video na kumilala kay Isnilon Hapilon bilang emir o awtorisadong lider ng mga puwersang maka-ISIS sa Pilipinas. Matagal nang commander ng Abu Sayyaf si Hapilon at nakalista na sa UN sanctions mula pa noong 2005. Noong Disyembre 31 ay namataan si Isnilon Hapilon sa Lanao del Sur kasama ang humigit-kumulang 30 tagasunod, kabilang umano ang walong dayuhang militante na nagmula sa Indonesia at Malaysia. Ang paglipat niya mula Basilan ay inilarawan bilang simbolikong hijra upang makiisa sa Maute at sa iba pang ISIS-linked faction sa mainland Mindanao. At dumating ang Mayo 23, 2017. Bandang alas-dos ng hapon, nagtungo ang pinagsamang puwersa ng Army at pulisya sa Barangay Basak Malutlut, Marawi City, upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Isnilon Hapilon. Inaasahan ng mga awtoridad na matatapos kaagad ang operasyon laban sa isang high-value target. Ngunit sinalubong sila ng mabigat na putok mula sa puwersa ni Hapilon, at mabilis na dumating ang mga reinforcement mula sa Maute at iba pang kasapi ng pro-ISIS coalition. Sa loob lamang ng ilang oras, lumawak ang labanan mula Basak Malutlut patungo sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories