Перейти к содержимому

Eison Music - AKO. (Official Lyric Video) | Minimalist Dark Pop

Eison Music

0:00 / 0:00

Eison Music - AKO. (Official Lyric Video) | Minimalist Dark Pop

151 просмотр · 3 дн. назад
Eison Music
45 подписчиков
151 просмотр · 3 дн. назад
AKO. (with a dot) Wala nang sabe-sabe pa. AKO na. Period. Kung ganyan ba naman ka-tapat umamin ng pagkakamali ang isang tao nung nakasakit sa relasyon, baka siguro hindi na humaba ang sumbatan at sakitan. Pero huli na ang lahat. Ikaw ba? Nung nakasira ka ng tiwala, umamin ka ba nang tapat—o marami ka pang bitbit na "kasi," "pero," at "bakit"? Hindi ito kwento ng pagmamakaawa para magkabalikan. Ito ay ang Late-Stage Regret—'yung yugto kung saan sarado na ang pinto, move on na siya, at wala nang natira sa 'yo kundi ang pinal na pagtanggap na ikaw ang gumiba sa inyong mga pangarap, pangako, at kaligayahan. Ang tuldok ( . ) sa "AKO." ay simbolo ng pinal na hatol. Sa gitna ng mabigat na sub-bass, tahimik na gabi, at whispery vocals, wala nang excuses, wala nang pag-asa, at wala nang balikan: Ako ang nagkamali, at dadalhin ko 'to hanggang sa huling hininga. Period. Yung stage na kailangan mo na talagang tanggapin ang acceptance. Ganern! 🥹💔 Pakinggan ang kwento ng kasalanang hindi na idinahilan, at ng pagtanggap na hindi na naglinis ng pangalan. --- 📝 LYRICS: [Verse 1] Pasan ko gabi-gabi ang bigat Sa tuwing naaalalang ako ang nagkulang Dahil sa padalos-dalos kong pasya Nasira ang ganda ng ating nakaraan Ako mismo ang gumiba sa 'ting itinayo At ngayon, nakatayo ako sa gitna ng guho [Verse 2] May natitira pa bang puwang d'yan sa 'yong isip Para sa taong nag-iwan sa 'yo ng sugat? Kakayanin mo pa kaya akong tingnan Nang walang galit na humaharang? Hihintayin ko pa rin ang 'yong pasya Kahit ang sagot mo lang ay tahimik na pag-alis [Pre-Chorus] Bago man tuluyang maglaho ang bakas Ng kahapon na hawak ng ating mga palad Hahayaan ko na munang magsalita Ang natitira kong katotohanan [Chorus] Ako ang nagdulot ng sakit sa 'ting dalawa (Oohhh... ohh...) Ako ang pumutol sa huling pag-asa (Sana marinig mo pa) Ngunit sa gitna ng aking malaking sala (Hmn... hmmn...) Ako pa rin ang sugat na di naghilom [Verse 3] Hindi naman nagbago ang tibok ng aking dibdib Kahit sarado na ang 'yong mga kamay Mananatili pa rin ang pagtinging ito Kahit wala na 'yong dating yakap Nakatatak ka pa rin sa bawat hininga Hanggang sa huling yugto ng aking buhay [Bridge] Hindi ko na hinihiling na ibalik ang dati Alam ko namang napakabigat ng aking nagawa Gusto ko lang malaman mo ang naiiwan sa puso Bago man lang ako tuluyang maging alaala [Chorus] Ako ang nagdulot ng sakit sa 'ting dalawa (Oohhh... ohh...) Ako ang pumutol sa huling pag-asa (Sana marinig mo pa) Ngunit sa gitna ng aking malaking sala (Hmn... hmmn...) Ako pa rin ang sugat na di naghilom [Outro] Ako ang nagdulot ng sakit sa 'ting dalawa (Oohhh... ohh...) Ako ang pumutol sa huling pag-asa (Sana marinig mo pa) Ngunit sa gitna ng aking malaking sala... --- 🎧 Eison Music - AKO. (Official Lyric Video) 🎵 Genre: Minimalist Dark Pop / Intimate Alt-Pop 🥁 Tempo: 65 BPM ▶️ Stream/Watch now on YouTube. Para sa mga taong pinal na ang pagtanggap na huli na ang lahat. 🌧️ #EisonMusic #AKO #MinimalistDarkPop #IntimateAltPop #OPM #NewMusic #OfficialLyricVideo