It’s Showtime November 6, 2026 | Full Episode
ABS-CBN It's Showtime
0:00 / 0:00
It’s Showtime November 6, 2026 | Full Episode
5 936 просмотров · 3 ч назад
ABS-CBN It's Showtime
2,88 млн подписчиков
5 936 просмотров · 3 ч назад
Hindi kailangang maging housemate ni Kuya para magpakakatotoo. Dahil kahit sa outside world, pwedeng ipakita ang tunay na ikaw. Parng dito sa "It's Showtime," walng dapat itago dahil welcome ka dito. Walang filter ang kulitan at laughter!
Marami mang pagsubok at unos na dumaraan, 'Ate Girl' Jackie Gonzaga still doesn't fail to bring sunshine sa kanyang pamilya't mga kaibigan. Kaya naman ang "It's Showtime" family naghanda ng surprise birthday dinner for her na kanilang pinagsaluhan, patunay lang na ang pagmamahal ng Showtime family ay kanyang sandalan.
Sa Miss Q&A, walang lugar ang plastikan dahil mas okay 'yung totoo at no-filter na talakan. Rumampa with pagpapakatotoo sina Kabebe Doll, Carla Aguilar, at Elay.
Sabi nga ni Carla sa kasabihan niya, “Alam mo ba kung bakit palaging sumasakit ang ulo mo? Eh, kasi nagpapanggap ka na mabuti kang tao." Kaya ang pagpapanggap talaga ay no-no! Samantala, ibinahagi ng iba pang mga kandidata ang sikreto sa totoo at pangmatagalan na samahan, katulad ni Kabebe Doll na ipinakilala pa ang kanyang one and only mahal.
Authentic chukchak ang inihain nina Elay at Carla sa Wit Lang round. Na-traffic man ang sagot niya sa kalagitnaan, naihabol naman ni Carla ang point niya sa tanong na, "Kung tumatakbo ang oras, mapapagod ba ito?"
Very creative naman ang sagot ni Carla as she took on the question, "Kapag may kinakasal na tikbalang, sinong ninong at ninang?"
Mula San Jose, Antipolo, dumating ang players na hindi pahuhuli sa kulitan ang kwento. Sa Laro Laro Pick, diskarte at pangarap ng bitbit nila para manalo.
Dahil sa challenges ipinkita niya ang galing, nagbunyi papuntang jackpot round si Gingging, isang gulay vendor. Boses man niya ay medyo malat, pero ang laro naman niya'y hindi inalat. Nag-uwi siya ng P20, 000 matapos tanggapin ang Li-Pot offer.
#ShowtimeMayBitaw
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment