"TEACHER, IKAW NAMAN" Palat UMC celebrates World & National Teachers' Month/Day. [Lyrics Below]
Palat United Methodist Church
0:00 / 0:00
"TEACHER, IKAW NAMAN" Palat UMC celebrates World & National Teachers' Month/Day. [Lyrics Below]
168 просмотров · 2 нед. назад
Palat United Methodist Church
222 подписчика
168 просмотров · 2 нед. назад
Source: • Teacher, Ikaw Naman: Shaping the Future of...
"TEACHER, IKAW NAMAN" | World Teachers’ Day & National Teachers’ Month Official Theme Song 2026
-------------
May bukangliwayway sa iyong mga kamay,
May umagang unti-unting sumisang.
Nabubuhay ng tahimik dala ang pangarap ng mga sabik,
Sa bayang sinilang ang hangad ang lupang marikit.
Hindi man makita ang iyong mga yapak,
Sa puso ng bayan ay nananatili.
Ang iyong itinanim kailan may di lilipas,
Sa aming buhay, Ikaw ay naririto.
At ngayong panahon ay muling nagtatanong.
Saan hahantong ang ating mga pangarap?
Kung sino ang humubog sa aming pagkatao,
Sino naman ang hahawak sa'yo?
-------------
Teacher, Ikaw naman!
Kami naman ang aawit para sayo.
Kung ang bukas ay bunga ng iyong kamay,
May puwang din sa bukas para sa iyo.
Teacher, Ikaw naman!
Hindi ka nagisa sa landas na tinahak.
Ang iyong liwanag ay aming iingatan,
At ang iyong pangarap ay pangarap ng bayan.
-------------
Sa'yo namin natutunang bumasa
Nang mundong higit pa sa mga salita
Na ang talino'y may saysay lamang.
Kung may pusong marunong umunawa.
Tinuruan mo kaming maniwala.
Sa lakas ng taong may paninindigan
Na ang tunay na dunong ay hindi nasusugat
Sa taas tinig kundi sa kabutihan.
At kung ang mundoy patuloy na magbabago,
Kung ang bukas ay hindi natin kabisado.
May isang bagay na hindi maglalaho,
Ang gurong marunong humubog ng tao.
-------------
Teacher, Ikaw naman!
Kami naman ang aawit para sa'yo.
Kung ang bukas ay bunga ng iyong kamay,
May puwang din sa bukas para sa iyo.
Teacher, Ikaw naman!
Hindi ka nag-iisa sa landas na tinahak.
Ang iyong liwanag ay aming iingatan,
At ang iyong pangarap ay pangarap ng bayan.
-------------
Animnapung taon ang lumipas
Ngunit ang pangako ay buhay pa rin.
Ang gurong gumagabay sa kinabukasan,
Ay dapat ding gabayan at pahalagahan.
Hindi lamang palakpak ang aming iaalay,
Hindi lamang awit sa isang araw.
Kundi isang bayang marunong tumindig,
Para sa gurong tumindig para sa amin.
-------------
Teacher, Ikaw naman!
Ngayon kami naman ang iyong kasama.
Kung tinuruan mo kaming abutin ng tala,
Kami naman ang hahawak sa iyong pangarap.
Teacher, Ikaw naman!
Sa bagong bukas na ating tatahakin.
Ang bayang minsang iyong tinuruan,
Ay ngayo'y kumitindig kasama mo.
-------------
Teacher, Ikaw naman!
At saan man dalhin ng panahon.
Ang mga batang minsang iyong tinuruan,
May isang awit na mananatili.
Ang tagumpay na ating inaasam,
Ay tagumpay mong kasama namin.
Teacher, Ikaw naman!
Ikaw naman, Kami naman, Tayo naman.
Pilipinas!