Перейти к содержимому

No One Threw a Stone | Pastor Reinmark Reynoso

VCICM Lucena

0:00 / 0:00

No One Threw a Stone | Pastor Reinmark Reynoso

40 просмотров · 7 дн. назад
VCICM Lucena
173 подписчика
40 просмотров · 7 дн. назад
Datapuwa't si Jesus ay napasa bundok ng mga Olivo.  (Joh 8:1) At pagka umaga ay nagbalik siya sa templo, at ang buong bayan ay lumapit sa kaniya; at siya'y naupo, at sila'y tinuruan.  (Joh 8:2) At dinala sa kaniya ng mga eskriba at ng mga Fariseo ang isang babaing nahuli sa pangangalunya; at nang mailagay siya sa gitna,  (Joh 8:3) Ay sinabi nila sa kaniya, Guro, nahuli ang babaing ito sa kasalukuyan ng pangangalunya.  (Joh 8:4) Sa kautusan nga ay ipinagutos sa amin ni Moises na batuhin ang mga ganyan: ano nga ang iyong sabi tungkol sa kaniya?  (Joh 8:5) At ito'y kanilang sinabi, na siya'y sinusubok, upang sa kaniya'y may maisumbong sila. Datapuwa't yumuko si Jesus, at sumulat ng kaniyang daliri sa lupa.  (Joh 8:6) Datapuwa't nang sila'y nangagpatuloy ng pagtatanong sa kaniya, ay umunat siya, at sa kanila'y sinabi, Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya.  (Joh 8:7) At muli siyang yumuko, at sumulat ng kaniyang daliri sa lupa.  (Joh 8:8) At sila, nang ito'y kanilang marinig, ay nagsialis na isa-isa, na nagpasimula sa katandatandaan, hanggang sa kahulihulihan: at iniwang magisa si Jesus at ang babae, sa kinaroroonan nito, sa gitna.  (Joh 8:9) At umunat si Jesus, at sa kaniya'y sinabi, Babae, saan sila nangaroroon? wala bagang taong humatol sa iyo?  (Joh 8:10) At sinabi niya, Wala sinoman, Panginoon. At sinabi ni Jesus, Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo: humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo'y huwag ka nang magkasala.  (Joh 8:11)