Перейти к содержимому

OPPORTUNITY: Paano malalaman kung galing sa Diyos ang nakabukas na pinto

WOTG - Word On The Go

0:00 / 0:00

OPPORTUNITY: Paano malalaman kung galing sa Diyos ang nakabukas na pinto

51 710 просмотров · 4 года назад
WOTG - Word On The Go
114 тыс. подписчиков
51 710 просмотров · 4 года назад
Merong bang mga opportunity na dumarating sayo. Gaya ng inaalok sayong bagong trabaho, o kaya bagong bahay, o kaya may nagaalok sayong negosyo na malaki ang kita, o kaya may nagpropose sayo ng kasal, o kaya nakapasa ka sa isang prestihiyosong eskwelahan, o kaya may nagalok sayo ng trabaho sa abroad o kaya naman ay nabigyan ka ng pagakakataong magmigrate sa pangarap mong bansa. Marahil tinatanong mo kung paano ko malalaman kung ang pagkakataon na ito ay galing sa Diyos. Alam mo sa buhay natin na ito ay marami tayong opportunities na mararanasan. Kaya lang hindi naman natin pwedeng sunggaban lahat itong mga ito. Bakit? Kasi hindi lahat ng opportunities ay makakabuti sa atin. Pwede kasing isa itong trap ng diablo na nagpapanggap na blessing sa atin. Narealized ko na kahit gaano kaganda at kahit mukha naman talagang mabuti o mahusay ang isang opportunidad ay hindi nangangahulugan na ito na yung best para sa atin. Kaya nga naniniwala ako na Ang susi o sikreto sa tagumpay ay ang magkaron ka ng kakayahang malaman kung ang oportunidad ba na dumarating sa buhay mo ay galing sa Diyos o hindi. Nakakalungkot kasi kadalasan ay nagrerely tayong mga tao sa gut feeling. Pag ang pakiramdam natin ay parang tama itong oportunidad ay susungaban natin agad. Pero pag hindi mo naman feel ang isang bagay kahit na ito ay kalooban ng Diyos ay tinatanggihan mo naman kaya ang resulta ay namimiss mo tuloy na maranasan ang magandang plano ng Diyos sayo. Kaibigan kung ang mga desisyon mo ay nakaasa lang sa pakiramdam, emosyon at sarili mong analysis ay siguradong mapapahamak ka. Kailangan mong isaalangalang ang Diyos sa iyong mga desisyon upang hindi ka magkamali. Tandaan mo na Ang bawat desisyon na ginagawa mo ay ang maghuhulma sa iyong buhay. Lahat ng choices na pinili mo sa nakaraan mabuti at masama ay makakaapekto sayo kung sino ka ngayun. Kaibigan simulan mong ihanda ang iyung sarili dahil arawaraw ay binibigyan ka ng Diyos ng oportunidad sa ibatibang area ng buhay mo. Gaya ngayung araw na ito kung napapanood mo ito ay may isang oportunidad na naman na ino-offer sayo ang Diyos. Ang makinig at maintindihan mo kung paano ka pipili ng tamang oportunidad na galing sa Kanya upang hindi ka mapahamak. Kaya tapusin mo ang mensahe na ito dahil nakasalalay ang iyong future sa matalinong pagpili ng mga pintong bumubukas sa buhay mo. Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/ Ready to Answer: https://bit.ly/readytoansweryt Message Script: https://bit.ly/OpportunityScript #karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #wotg #Christianvlog #CCF