GAGAWIN PAG KINASUHAN NG BOUNCING CHECK? BAYAD NA SA TUMALBOG NA TSEKE PERO MAY DEMANDA? GABAY BP 22
Atty. Aldrin B. Gregorio
0:00 / 0:00
GAGAWIN PAG KINASUHAN NG BOUNCING CHECK? BAYAD NA SA TUMALBOG NA TSEKE PERO MAY DEMANDA? GABAY BP 22
3 310 просмотров · 1 год назад
Atty. Aldrin B. Gregorio
7,18 тыс. подписчиков
3 310 просмотров · 1 год назад
Bayad Na Pero Kinasuhan Ka Pa Rin?
Akala mo tapos na problema kasi nabayaran mo na ang TUMALBOG na tseke…
Tapos, boom—may demanda ka pa rin sa ilalim ng BP 22.
Oo, kahit nagbayad ka na, may chance pa ring kasuhan ka.
In fact, maaaring maglabas ng warrant of arrest ang korte (Pagkatapos ma-litis ng kaso sa Prosecutor’s Office)…
Kung hindi ka sisipot sa mga itinakdang pagdinig
Ano'ng Gagawin Mo Ngayon?
Kung nagbayad ka na talaga, puwede mong gamitin ‘yun as a defense.
Ipakita mo sa Prosecutor’s Office pa lang, sa pamamagitan ng ebidensya, na wala kang intensyon na manloko…
Nagkulang ka lang pero binayaran mo agad.
Dahil dito, pwedeng ma-dismiss ang kaso.
‘Wag Kakalimutan ang Notice of Dishonor
Importante ‘to, kasi kailangan magbigay ang complainant ng notice of dishonor.
Ang notice ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataong itama ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagbabayad bago pa tuluyang magsampa ng kaso.
Kung walang notice, automatic na may laban ka dahil kulang ang proseso nila.
Kung hindi ka nabigyan ng tamang notice…
Pwedeng gamitin ito bilang depensa at puwede rin maging dahilan para ma-dismiss ang kaso.
Makipag-areglo Kung Puwede.
Makipag-usap ka na para sa affidavit of desistance.
Kapag pumayag sila at umatras ang complainant, tapos na ang gulo bago pa umakyat ang kaso sa Korte.
Para sa mas detalyadong impormasyon, panoorin ang video dito.