Перейти к содержимому

HALINA, LUMAPIT SA AKIN I Himig Heswita featuring Terence Ang

JesCom Music

0:00 / 0:00

HALINA, LUMAPIT SA AKIN I Himig Heswita featuring Terence Ang

2 018 просмотров · 2 месяца назад
JesCom Music
91 тыс. подписчиков
2 018 просмотров · 2 месяца назад
“Halina, lumapit sa akin…”—isang paanyaya ni Hesus sa lahat ng napapagod, nabibigatan, at naghahanap ng pag-asa. Anuman ang iyong pinagdaraanan ngayon, pakinggan ang Kanyang tinig na may pagmamahal na nagsasabing: “Halina, lumapit sa Akin.” Nawa’y maging panalangin ang awiting ito at akayin tayong muli sa puso ni Kristo, kung saan matatagpuan ang tunay na kapayapaan at pag-asa. Halina, Lumapit Sa Akin Words by Danilo Isidro SJ Music by Nemy Que SJ Performed by Himig Heswita featuring Terence Ang Listen to the streaming version on Spotify and all digital music platforms: https://open.spotify.com/track/71ifMV... #BAYANUMAWITIgnatianMusicFest2026 #jmm #jesuitmusic Kaibigan, tantuin mong Isang paglalakbay ang buhay Sangasangang landas ay may kahirapan Kung ang lungkot o panganib sa yo'y Biglaang dumalaw O kung ikaw ay mapagod Sa bigat ng 'yong pasan Panginoon ang balingan Panginoon ang samahan Wika Niya'y halina lumapit sa Akin Kayong mga napapagal Aking pagiginhawain Bigat ng inyong pasanin Ay Aking pagagaangin Halina kaibigan Lumapit sa Akin Kaibigan tantuin mong Isang paglalayag ang buhay Maalon ang dagat at may kalaliman Kung may unos at may hanging 'di mo Kayang labanan O sa gabing kadiliman Ni tala ay walang tanglaw Panginoon ang balingan Panginoon ang samahan Wika Niya'y halina lumapit sa Akin Kayong mga napapagal Aking pagiginhawain Bigat ng inyong pasanin Ay Aking pagagaangin Halina kaibigan Lumapit sa Akin ________________________ Album: The Best of Himig Heswita - https://open.spotify.com/album/4GWdOV...