Paglalakbay ng mga Pinili
Remnant from the East
0:00 / 0:00
Paglalakbay ng mga Pinili
473 просмотра · 10 месяцев назад
Remnant from the East
93 подписчика
473 просмотра · 10 месяцев назад
Paglalakbay ng mga Pinili (Acoustic Alternative Version)
[Intro]
[verse 1]
Mahabang panahon ng pagkahimbing
Diwa ng kawan ay iyong ginising
Sa Boses Mo, mga tupa... ay Iyong tinawag
Banal na Ngalan mo ay aming hinanap
[verse 2]
Mga aral mo ay aming natutunan
Sa iyong kahanim dito sa silangan
Sila’y naging daluyan ng iyong mga salita
Purihin ang pangalan mo , Haring Yahawah
[CHORUS 1]
Oh Halalwayah, aming Haring Yahawah
Ang Pagkalinga Mo sa amin, ay iyong pinadama
Ang iyong mga pinili, binigyan ng pang unawa
Upang makasunod sa iyong mga kautusan
Ang Torah ng Tipan at ang lahat lahat...
Mga tagubilin para sa aming lahat.
[intro][rhythm & riff]
[verse3]
Kung minsan ay aming nalilimutan
Ang tipan at aral sa puso’t isipan
Naging alipin ng aming kapalaluan
Umasa sa sarili at sa kalayawan…….
[verse4]
Kami’y nadapa… at nalublob sa lusak
Sa mga suliraning tila wala nang lunas
Kami’y nanikluhod, yumukod, at nakiusap
Kami’y akayin mo at hwag sanang mapahamak…
[CHORUS 2 ]
Ooohh… Halalwayah, aming Haring Yahawah
Pagpapatawad mo sa amin ay Iyong pinadama
Sa mga panahon ng aming mga kalikuan
Iyong tinutuwid ang landas ng iyong kawan
sa Iyong kautusan, tagubilin sa lahat…..
Ang Torah ng Tipan at ang lahat lahat…..
[BRIDGE/ INTERLUDE] [riff]
[verse5]
Para sa kawan na nasa malayo
Wag mag alala, ipanalangin natin na…
Ingatan nawa tayo ng Haring Yahawah
Nang sa gan’on makabalik sa ating bansa
[verse6]
Kaya Ngayon……. Ating ipanalangin
Sa nagiisang Hari, ang Ahba Yahawah
Kami ay iyong ingatan at ilayo sa tukso
maging dalisay sa pagdating Mo. ooohh
[CHORUS 3]
Oh Halalwayah, aming Haring Yahawah
Ang pagmamahal mo sa amin ay iyong pinadama
Hipan ang shofar at magpapuri sa Silangan
Sa lugar ng Ophir, ating ibalik ang Iyong pangalan
Maraming gigising , sa kanya'y makikipagtipan
Sa iisang HARI , ang Ahba Yahawah
[verse7]
Eto ang kwento ng ating paglalakbay
Mga Tupang tinipon , Siya lamang ang gagabay
Ingatan ang tipan sa ating Haring Yahawah
Kami’y magpupuri sayo, oh aming Ama. Aahhh
[Repeat CHORUS 3]
[Outro ][riff][fade]