Hindi Kayang Sukatin ang Iyong Kadakilaan
Gentle Strings
0:00 / 0:00
Hindi Kayang Sukatin ang Iyong Kadakilaan
79 просмотров · 9 дней назад
Gentle Strings
58 подписчиков
79 просмотров · 9 дней назад
Verse 1
Sa ilalim ng langit na Iyong nilikha,
Mga lihim ng buhay ay Iyong nakikita.
Kapag ang landas ko’y tila walang liwanag,
Ikaw ang tanglaw sa gitna ng pangamba’t hirap.
Pre-Chorus
Minsan 'di man maunawaan ang Iyong mga gawa,
Ang puso ko’y mananatiling nagtitiwala.
Sapagkat ang kamay Mong makapangyarihan,
Ay may layunin sa mga bawat kaganapan.
Chorus
O Alahayah, dakila Ka sa lahat,
Ang Iyong mga gawa’y lampas-isip at hinagap.
May mga hiwagang di kayang arukin ng isipan,
Kagila-gilalas na pagpapala at di pangkaraniwan.
Hindi ko man makita ang bukas na darating,
Alam kong ang Iyong kamay ako'y aakayin.
Sapagkat ang bawat luha at pagsubok sa buhay,
Ay pinahintulot at bahagi ng plano Mong walang kapantay.
Verse 2
Tulad ng ginto na dumaraan sa apoy,
Nililinis Mo ang pusong nalulugmok sa panaghoy.
Sa bawat pagsubok na aking hinaharap,
May bagong lakas na Iyong inilalagak.
Pre-Chorus
Minsan 'di man maunawaan ang Iyong mga gawa,
Ang puso ko’y mananatiling nagtitiwala.
Sapagkat ang kamay Mong makapangyarihan,
Ay may layunin sa mga bawat kaganapan.
Chorus
O Alahayah, dakila Ka sa lahat,
Ang Iyong mga gawa’y lampas-isip at hinagap.
May mga hiwagang di kayang arukin ng isipan,
Kagila-gilalas na pagpapala at di pangkaraniwan
Hindi ko man makita ang bukas na darating,
Alam kong ang Iyong kamay ako'y aakayin.
Sapagkat ang bawat luha at pagsubok sa buhay,
Ay pinahintulot at bahagi ng plano Mong walang kapantay.
Bridge
Ang kulog na aming naririnig ay nagpapaalala,
Na ang Iyong kapangyarihan ay walang kapara.
Ang ulap, hangin, at buong sangnilikha,
Ay nagpapatotoo sa Iyong nakamamangha at kagila-gilalas na gawa.
Final Chorus
O Alahayah, Haring Aba Yahawah
Ikaw ay dakila
hindi kayang sukatin ni ng hinagap ang iyong mga gawa
Paraan Mo ma'y di lubos maunawaan
Ako'y patuloy magtitiwala lamang sa Iyong karunungan.
Sapagkat Ikaw na lumikha ng kalawakan,
Ay kumikilos para sa ikabubuti ng Iyong piniling bayan.
Sa bawat panahon, sa hirap man o kaginhawaan,
Ang Iyong kadakilaan ay mananatili at mapanghahawakan.