Перейти к содержимому

A.S.K. Episode 9: Budget Misconceptions - Budget Cut (Part 2)

Department of Budget and Management (DBM PH)

0:00 / 0:00

A.S.K. Episode 9: Budget Misconceptions - Budget Cut (Part 2)

86 просмотров · 6 дней назад
Department of Budget and Management (DBM PH)
189 подписчиков
86 просмотров · 6 дней назад
𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 = 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗖𝗨𝗧? 🤔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗚𝗔𝗡𝗨𝗡 𝗞𝗔𝗦𝗜𝗠𝗣𝗟𝗘, 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗣𝗘𝗘𝗣𝗦! Kung bumili ka ng refrigerator last year, bibili ka ba ulit ngayong taon kahit maayos pa naman? Sana hindi. 😅 At kung wala nang budget para sa panibagong refrigerator this year, ibig bang sabihin ay “budget cut” na agad? Hindi. Baka tapos na talaga ang gastusin. Ganyan din sa National Budget. May mga infrastructure project na natapos na. May equipment na nabili na. May programs na one-time expenditure lamang. Kaya kung mas mababa ang allocation ngayong taon kumpara noong nakaraang taon, hindi automatic na nabawasan ang serbisyo o hindi na priority ang isang sektor. At may isa pang dapat tandaan: hindi rin palaging NEP appropriation lang ang buong financial picture. May ilang government hospitals at State Universities and Colleges na may legally authorized retained income o internally generated income na maaari nilang gamitin para sa mga awtorisadong gawain, alinsunod sa umiiral na batas at accounting and audit rules. Kaya bago sabihing “Budget cut!”, may apat munang tanong si Sec. Kim: 🔎 Budget ba talaga ang kino-compare—o request lang? 🔎 Kumusta ang paggamit ng nakaraang budget? 🔎 May one-time expenditures bang tapos na at hindi na kailangang ulitin? 🔎 May iba pa bang legally authorized resources na hindi nakikita sa NEP appropriation? Sa budgeting, hindi sapat na tingnan kung alin ang mas malaking numero. Kailangan nating alamin kung ano ang nasa likod ng numero. Ang trabaho ng DBM ay hindi basta mag-cut. Ang trabaho nito ay pagkasyahin ang limitadong pondo ng bayan sa napakaraming pangangailangan—at tiyaking ang bawat pisong inilalagay sa budget ay kailangan, kayang pondohan, at may malinaw na pakinabang sa mamamayan. Budget request is what an agency asks for. The NEP is what government can responsibly propose. Kaya bago mag-react sa “budget cut,” A.S.K. muna. 😉 Alamin ang buong kuwento. Alamin ang tamang comparison. Alamin kay Sec. Kim. Panoorin ang Episode 9 ng A.S.K. — Alamin kay Sec. Kim: “Budget Cut Ba Talaga?” Part 2. #ASKSecKim #AlaminKaySecKim #BudgetPeeps #Budget101 #NationalBudget #DBM