Перейти к содержимому

Halina, Lumapit Sa Akin - D. Isidro, SJ / N. Que, SJ (Piano Cover)

Aldous Ronquillo

0:00 / 0:00

Halina, Lumapit Sa Akin - D. Isidro, SJ / N. Que, SJ (Piano Cover)

9 118 просмотров · 5 лет назад
Aldous Ronquillo
210 подписчиков
9 118 просмотров · 5 лет назад
Kaibigan, tantuin mong Isang paglalakbay ang buhay. Sanga-sangang landas ay may kahirapan, Kung ang lungkot o panganib sa yo'y Biglaang dumalaw. O kung ikaw ay mapagod Sa bigat ng 'yong pasan, Panginoon ang balingan Panginoon ang asahan. Wika Niya'y halina lumapit sa Akin, Kayong mga napapagal Aking pagiginhawain. Bigat ng inyong pasanin Ay Aking pagagaangin. Halina kaibigan, Lumapit sa Akin. Kaibigan tantuin mong Isang paglalayag ang buhay. Maalon ang dagat at may kalaliman, Kung may unos at may hanging 'di mo Kayang paglabanan. O sa gabing kadiliman Ni tala ay walang tanglaw, Panginoon ang balingan, Panginoon ang asahan. Wika Niya'y halina lumapit sa Akin, Kayong mga napapagal Aking pagiginhawain. Bigat ng inyong pasanin Ay Aking pagagaangin. Halina kaibigan, Lumapit sa Akin.