ANTIPOLO BAKERY MASS@CR3 FULL STORY TAGALOG
Utol Ford
0:00 / 0:00
ANTIPOLO BAKERY MASS@CR3 FULL STORY TAGALOG
763 300 просмотров · 1 г. назад
Utol Ford
388 тыс. подписчиков
763 300 просмотров · 1 г. назад
Sa isang masaya sanang gabi sa Antipolo, sa loob ng isang maliit na panaderya walang makakaakalang magiging entablado ito ng isang karum4l-dum4l na krimen. Pitong katao ang walang awang pin4slang habang natutulog at napaliliguan ng kanilang sariling dugo, dalawa sa mga ito ay mga menor de edad pa, at ang itinuturong salarin? Isa rin sa kanila. Anong nagtulak sa isang taong kaibigan at kasamang naninirahan ng mga biktima para paslangin ang lahat sa kabila ng kakatapos lang na holy week?
Ang insidenteng ito ay naganap sa isang maliit na panaderya na nagngangalang J&B Malunggay Bakery sa Purok Uno, Zone 8, Barangay Cupang, Antipolo City. Kung matatandaan ninyo tol eh kamakailan lang nagkaroon ng trending na kaso dyan sa Antipolo dahil sa road rage. Matatagpuan ang nasabing panaderya sa isang residential na lugar at kilala bilang isang neighborhood bakery sa komunidad. Dito na rin mismo nakatira ang mga trabahador ng panaderya bilang bahagi ng kanilang tuluyan at tirahan. Co-owned ang panaderya ng dalawang kasosyo – ang suspek at ang kanyang business partner na siya ring master baker ng tindahan. Ito ang lugar na pinangyarihan ng karumal-dumal na krimen na tinaguriang “Antipolo Bakery Mass@cr3” ng midya.
True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories