Перейти к содержимому

SUMBATERA NA KAPATID | Kulam True Story | LolaTelang

Mga Istorya ni LOLA TELANG

0:00 / 0:00

SUMBATERA NA KAPATID | Kulam True Story | LolaTelang

11 662 просмотра · 11 ч назад
Mga Istorya ni LOLA TELANG
174 тыс. подписчиков
11 662 просмотра · 11 ч назад
Si Lilian ang panganay na maagang nagsakripisyo para sa pamilya matapos mawala ang kanilang ama. Huminto siya sa pag-aaral at nagtrabaho hanggang sa makapag-abroad, kung saan halos lahat ng kinita niya ay ipinadala sa kanilang ina at mga kapatid. Dahil sa kaniyang sakripisyo, unti-unting gumanda ang buhay ng kanilang pamilya. Ngunit pag-uwi ni Lilian, napansin niyang nasanay na ang kaniyang mga kapatid sa komportableng buhay. Madali silang humihingi ng pera at gumagastos sa mga bagay na para kay Lilian ay hindi naman kailangan. Dahil dito, naging mainitin ang ulo niya at palagi niyang ipinapaalala ang lahat ng ginawa niya para sa pamilya. Habang tumatagal, lalo siya naging sumbatera. Hindi niya namamalayang ang tulong na dati niyang ibinibigay nang buong pagmamahal ay ginagamit na niya ngayon upang kontrolin at sumbatan ang kaniyang mga kapatid. Hanggang sa isang malaking sikreto mula sa kaniyang nakaraan sa abroad ang mabunyag. Isang bagay na matagal niyang itinago dahil ayaw niyang malaman ng kaniyang pamilya kung gaano kalaki ang isinakripisyo niya para mabigyan sila ng magandang buhay.