Перейти к содержимому

HOLY MASS TODAY HEALING LIVE MASS at Santo Padre Pio International Shrine * Setyembre 12, 2026 6AM

Catholic Mass Today Live (CMTL)

0:00 / 0:00

HOLY MASS TODAY HEALING LIVE MASS at Santo Padre Pio International Shrine * Setyembre 12, 2026 6AM

8 077 просмотров · Трансляция закончилась 22 часа назад
Catholic Mass Today Live (CMTL)
171 тыс. подписчиков
8 077 просмотров · Трансляция закончилась 22 часа назад
FILIPINO CATHOLIC MASS TODAY LIVE HEALING MASS (I|) September 12, 2026 SABADO ng Ika-23 Linggo sa KARANIWANG PANAHON (II) Memorial of the Most Holy Name of Mary BANAL NA MISA. Online Mass | UNANG PAGBASA 1 Corinto 10, 14-22 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga pinakamamahal, huwag kayong sasamba sa mga diyus-diyusan. Ganito ang sinasabi ko sa inyo, sapagkat kayo’y matatalino; kayo na ang humatol. Hindi ba’t ang pag-inom natin sa kalis ng pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Kristo? At ang pagkain natin ng tinapay na ating pinagpipira-piraso ay pakikibahagi naman sa kanyang katawan? Kaya nga, yamang isa lamang ang tinapay, tayo’y iisang katawan bagamat marami, sapagkat nakikibahagi tayo sa iisang tinapay. Tingnan ninyo ang bansang Israel: hindi ba’t ang mga kumakain ng mga handog ay nakikiisa sa ginagawa sa dambana? Ano ang ibig kong sabihin? Sinasabi ko bang may kabuluhan ang diyus-diyusan o ang pagkaing inihandog sa mga diyus-diyusan? Hindi! Ang ibig kong sabihin, ang mga pagano’y naghahandog ng kanilang hain sa mga demonyo, hindi sa Diyos, at ayaw kong maging kaisa kayo ng mga demonyo. Hindi kayo makaiinom sa kalis ng Panginoon at sa kalis ng mga demonyo. Hindi kayo maaaring makisalo sa dulang ng Panginoon at sa dulang ng mga demonyo. Ibig ba nating manibugho ang Panginoon? Sa palagay ba ninyo’y may makapangyarihan tayo kaysa sa kanya? Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 115, 12-13. 17-18 Maghahandog ako sa D’yos ng pagpupuring malugod. Sa Diyos ko’t Panginoon, ano’ng aking ihahandog sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob? Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap, bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas. Maghahandog ako sa D’yos ng pagpupuring malugod. Ako ngayo’y maghahandog ng haing pasasalamat, ang handog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak. Sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan. Maghahandog ako sa D’yos ng pagpupuring malugod. ALELUYA Juan 14, 23 Aleluya! Aleluya! Ang sa aki’y nagmamahal tutupad sa aking aral. Ama’t ako’y mananahan. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 6, 43-49 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat punongkahoy sa pamamagitan ng kanyang bunga. Sapagkat hindi nakapipitas ng igos sa puno ng aroma, at di rin nakapipitas ng ubas sa puno ng dawag. Ang mabuting tao ay nakapagdudulot ng mabuti sapagkat tigib ng kabutihan ang kanyang puso; ang masamang tao ay nakapagdudulot ng masama, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang bukambibig siyang laman ng dibdib. “Tinatawag ninyo akong ‘Panginoon, Panginoon,’ ngunit hindi naman ninyo ginagawa ang sinasabi ko. Ipakikilala ko sa inyo kung kanino natutulad ang bawat lumalapit sa akin, nakikinig ng aking mga salita, at nagsasagawa ng mga ito. Katulad siya ng isang taong humukay nang malalim at sa pundasyong bato nagtayo ng bahay. Bumaha, at ang tubig ay bumugso sa bahay na iyon, ngunit hindi natinag, sapagkat matatag ang pagkakatayo. Ngunit ang nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay katulad ng isang taong nagtayo ng bahay na walang pundasyon. Bumaha, nadaanan ng tubig ang bahay na iyon at pagdaka’y bumagsak. Lubusang nawasak ang bahay na iyon!” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) International Shrine of Saint Padre Pio - Batangas