Перейти к содержимому

Vhong, Top 1 ulit sa SUBSTITUTION | It's Showtime | October 12, 2026

ABS-CBN It's Showtime

0:00 / 0:00

Vhong, Top 1 ulit sa SUBSTITUTION | It's Showtime | October 12, 2026

14 381 просмотр · 8 ч назад
ABS-CBN It's Showtime
2,87 млн подписчиков
14 381 просмотр · 8 ч назад
"Pagdating ng panahon," hugot ni Inigo Pascual sa kanyang bagong awitin, which he performed on the 'Showtime' stage. Kailan naman kaya ang panahon na may ipapakilala na siya sa Madlang People? "Hopefully soon," sagot ni Inigo. For your dose of Monday motivation, hear Vice Ganda, Jhong Hilario, and Vhong Navarro’s nakaka-good vibes na pep talk for the nation. Ibinahagi ng tatlo kung bakit grateful ang kanilang mga puso. Sina Vhong at Jhong, grateful sa energy ng Madlang People at sine-celebrate nila ang gift of life. Si Meme Vice naman, grateful sa mga taong nakapaligid sa kan’ya. Samantala, ang tatlong Miss Q and A kandidata, fantasy today ay maputungan ng korona. Wit at pangmalakasang talak ang sandata para ‘yan ay magkatotoo na. Living their dreams sina Iwa Servantes, Bini Ricka Ricaberte, at Elthon Bequio. Kanya-kanya silang pagbibida sa mga bayang sinilangan dahil bitbit nila ang bandera ng kanilang mga pinagmulan. Pero upang makaabante sa major talakan, dapat mabilis muna sa pindutan. ‘Yun lang! Si Iwa ang napag-inawan, samantalang sina Bini Ricka at Elthon ay nag-face off sa Wit Lang. Walang pahinga, ratsada ang chukchak ni Elthon sa nabunot niyang tanong na, “Matalino ba ang bobo-yog?” Kaya biro ni Meme sa isa pang kandidata na si Bini Ricka, bawal mag-back out! Well, no! Lumaban si Bini Ricka sa tanong na, “Sinong kainuman ng lasing sa kapangyarihan?” Pwede nang mangarap lalo na kung masusungkit ang POT sa Laro Laro Pick. Nananatili sa P100,000 ang jackpot prize na pinaglaban-labanan ng mga sports officials. Kung sa loob ng court, si Albert ang referee. Dito sa game arena, siya ang player. At, ano naman ang kuwento sa likod ng pangalan ni Ace? You can also call her queen! Trending naman ngayon ang pickleball. Para sa dagdag kaalaman, si referee Apple ang magbabahagi tungkol d'yan! Hindi inasahan ni Lyn na siya ang aabante sa jackpot round dahil aminadong nablanko siya sa tanungan. Pero siya talaga ang itinadhana sa laban. Li-Pot offer ay itinodo sa P20,000. Pero, si Lyn, palaban! POT question ay kanyang sinugalan! #ShowtimeOverOcting #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment