Перейти к содержимому

KLBW - Mike Kosa, Smugglaz, J Skeelz & Loonie (Official Lyric Visualizer)

Mike Kosa

0:00 / 0:00

KLBW - Mike Kosa, Smugglaz, J Skeelz & Loonie (Official Lyric Visualizer)

194 027 просмотров · 3 дня назад
Mike Kosa
345 тыс. подписчиков
194 027 просмотров · 3 дня назад
KLBW — Official Lyric Visualizer Mike Kosa • J-Skeelz • Smugglaz • Loonie Beat Produced, Recorded, Mixed & Mastered by: Yung Bawal Director/Cinematographer & Editor: JC Echanes Graffer: Errol Montegrande Studio: InfiniteJ Creative Special thanks to : Boss Charlon Krown Manila Quality Clothing Kazuki Yazumi Adrian Dantes Terrado © 2026 All Rights Reserved. #KLBW #MikeKosa #JSkeelz #Smugglaz #Loonie #InfiniteJCreative #FilipinoHipHop #OPM #musicvideo KLBW — Mikekosa, Smugglaz, Jskeelz and Loonie Beats Produced by Yung Bawal 1st Verse — Mikekosa Parehas sipag at edad, lalo pang dumadagdag Dumidistansya ng ilang dipa kapag kumakaldag Pinapaos, pero kahit kailan di kinakapos Sa kahit na ano pa mang era ay laging tumatagos Kapasidad, akala mo bata, hindi hinahapo Paano mo pa mapapasuko kung kabisado ang laro At di nagsasayang ng oras, ayaw mabalagong Walang respetong natanggap kung tumandang paurong Mga tumandang umaasa, pag si Batman ang bahala Sila ’tong nakakaawa na palaging talunan Pag sagad ka na sa gulang, di magawang buyuan Kung wala kang pakinabang ay dapat kang layuan Napakaraming mga kwento, sarap naibahagi Ipakalat sa pasilyo at palibot ng gusali At umeedad na di nakukupasan ng galing Habang sila’y lumalangoy kasama ng mga pating Chorus — Smugglaz Panahon lang ang lumilipas pero ang gutom ay gano’n pa rin Parang bampira, anuman ang era, alam mo na may tira kahit anong gawin Sa daming alam, sabik pa ring matuto, di nalalaos anuman ang mauso Pakiramdam ko’y nagsisimula pa lang lahat 2nd Verse — Jskeelz Kahit malayo na pero malayo pa Ramdam ko minsan, may oras na napapagod na Pero ’di dahilan ang edad para tumamlay Dahil habang tumatagal ay mas marami ang nagaantay Mga tengang nakabantay sa bawat ilalabas Mga palakpakan na mas lalo pang lumalakas Kahit masikip na ang landas papunta sa taas Lakad pa rin ay pasugod at ’di pwedeng umatras ’Di ko hinangad muling sumabog at bumenta Humabol sa mga bago sa tunog ng kanilang meta Ang tunay na pagkatao ko’y tumatak na sa mga tenga Pag Roberto ang umareglo, ang mensahe ay direkta Kahit pugad ng kalaban, sinubukan kong dumapo Mga sugat ang sukatan sa tinakbo ko na malayo Magpahinga ay posible pero huminto, malabo Edad lang ang dumagdag pero skills ay ’di na maglalaho Chorus — Smugglaz Panahon lang ang lumilipas pero ang gutom ay gano’n pa rin Parang bampira, anuman ang era, alam mo na may tira kahit anong gawin Sa daming alam, sabik pa ring matuto, di nalalaos anuman ang mauso Pakiramdam ko’y nagsisimula pa lang lahat 3rd Verse — Loonie Di tumatanda, parang bokalista ng Chicosci Istilo ay naka-upgrade, updated bawat kilobyte Kasi “Dito sa Maynila,” sila nag-reunite Tito Mike, Tito J, andito rin pati si Tito Bry Triple OG classic, parang AF1 na triple white Lalabas kami sa feed mo kahit na hindi mo type Mapa-FB, IG, YouTube, Kumu man o Bigo Live Kahit saan ako ay may fan na parang Jisulife Hindi umeedad, Peter Pan and the Lost Boys Mas matagal, mas mataas ang halaga, na parang Rolls-Royce Pabata nang pabata, parang pormahan ni Boss Toys Bogznoit na naman kasi sinolo yung crossjoint Lalong tumatagal, mas lalong tumatalim Mas lalo lamang tumatalas at mas gumagaling Mas tumataas ang antas ng kaya pang gawin Sapagkat kalabaw lang ang tumatanda, ’di ang mga kambing Chorus — Smugglaz Panahon lang ang lumilipas pero ang gutom ay gano’n pa rin Parang bampira, anuman ang era, alam mo na may tira kahit anong gawin Sa daming alam, sabik pa ring matuto, di nalalaos anuman ang mauso Pakiramdam ko’y nagsisimula pa lang lahat