Перейти к содержимому

OFW SA ITALY, NAPAGKAMALAN NG BOSS NA EX-GIRLFRIEND NITO, BAKIT KAYA? |love story Tagalog

ISTORYA NI AMIHAN

0:00 / 0:00

OFW SA ITALY, NAPAGKAMALAN NG BOSS NA EX-GIRLFRIEND NITO, BAKIT KAYA? |love story Tagalog

50 280 просмотров · 2 года назад
ISTORYA NI AMIHAN
172 тыс. подписчиков
50 280 просмотров · 2 года назад
Tagalog love story super kilig | FULL STORY OFW SA ITALY, NAPAGKAMALAN NG BOSS NA EX-GIRLFRIEND NITO, BAKIT KAYA? | love story Tagalog | PINOY STORY | kakaibang kwento ng pag ibig Written by: iamxeilliex Narrated by: Sasa Revised and rearranged by: Amihan PREVIEW: "Buon giorno, signore. I'm Alexandra and your new employee," pagbati ni Alexandra sa isang lalaki na agad tumingala sa kanya. Kaagad siyang natigilan nang makita ang kulay abong mata nito. Nakakalunod ang mga tingin nito at tila ba dinadala siya sa alapalap, napalunok siya nang maramdaman ang tila ba nakakapasong kuryente sa pagitan ng tingin nila ni Radem. Ramdam ng binata ang agad na pagwawala ng puso nito nang makita ang babaeng minsan nitong inibig. "Anong laro na naman 'to?" tanong kaagad ng lalaki na ikinagulat ni Alexandra. Napuno ng pagtataka ang mukha niya ngunit nanatili siyang kalmado. "Pilipino ka, Sir?" hindi napigilang tanong ni Alexandra dito. Hindi halata na Pinoy ito sapagkat mas mukha itong Italiano, dumagdag pa ang kulay abo nitong mga mata na hinahalina ang dalaga. Tumawa ang guwapong lalaki na para bang may nakakatawa sa sinabi ni Alexandra ngunit bakas ang inis doon. Hindi malaman ni Radem kung anong dahilan kung bakit nagpapanggap ang babae na tila ba hindi sila magkakakilala. "Go back to your work, wala akong oras sa laro mo, Alexandra Cervantes," pagtataboy nito kay Alexandra, madiin iyon at halos puno ng galit ang pagbanggit nito sa kanyang pangalan. Si Radem Fontana ang may-ari ng restaurant na PrimoTaste Italiano. Nang mag-retire ang kanyang ama, sa kanya ipinamana ang kanilang business kaya mas nag-focus si Radem sa pagma-manage nito kaysa sa pagiging chef. Graduate si Radem ng Culinary Arts sa isang prestihiyosong paaralan sa Italy at nagamit niya ang kanyang pinag-aralan upang mas maging sikat ang kanilang restaurant. Marami ring nagawang recipe si Radem at lahat ng iyon ay ipinagmamalaki ng PrimoTaste Italiano. Half Italian, half Filipino si Radem. Back and forth ang pamilya nila sa Pilipinas at Italy at nakapag-aral din siya sa Pilipinas noong teenager pa lamang siya. Kaya naman matatas siyang magtagalog at mag-Italyano, maging mag-English. Pinanood ni Radem si Alexandra habang inaasikaso ang mga customer. Nakaramdam siya ng inis nang makita kung gaano kalaki ang ngiti ng babae sa nga lalaking customer. Nang mabakante si Alexandra, tinawag itong muli ni Radem. Tanging galit at inis lamang ang nararamdaman ni Radem sa babae lalo na sa ginagawa nitong pagpapanggap na hindi siya kilala. Paanong hindi siya nito kilala gayong naging kasintahan n'ya ito noon at sinaktan lang naman siya sa huli. "Dalhan mo 'ko ng isang bote ng Masseto," utos ni Radem kay Alexandra nang makalapit. Nakakaintinding tumango si Alexandra at tinalikuran si Radem upang ibigay ang gusto. Wala pang limang minuto nang bumalik ang dalaga dala ang mamahaling wine. "This is your wine, sir," wika ni Alexandra at pinatong sa lamesa ang bote kasama ang baso. Tinitigan siya ni Radem na ikinakunot ng noo ng dalaga. "And where's the Beef carpaccio?" "Pero, Sir. Wala ka naman pong sinabi na gusto mo rin po n'on." Pinilit ni Alexandra na ngumiti. _____________________ Thanks to Keys of Moon Music | One Love by Serjo De Lua -   / keysofmoon   His beautiful music is created under CC License