Pahayag ni VPISD ukol sa paratang ni BBM
Joie Cruz
0:00 / 0:00
Pahayag ni VPISD ukol sa paratang ni BBM
32 983 просмотра · 8 часов назад
Joie Cruz
105 тыс. подписчиков
32 983 просмотра · 8 часов назад
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT
12 October 2026
PAHAYAG
Ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa mga alegasyong nag-uugnay sa akin sa China bilang isang usapin ng national security ay may seryosong implikasyon sa aking seguridad at sa seguridad ng ating bansa.
Una — ang pahayag ay lantarang pag-amin na ako, bilang Bise Presidente, ay itinuturing ng Marcos administration na isang national security issue.
At dahil diyan, binibigyang-katwiran ng Malacañang ang paggamit ng buong pwersa ng estado, kabilang na ang intelligence agencies at law enforcement agencies, na ako ay manmanan, gipitin, at tuluyang pabagsakin sa ngalan ng pulitika.
Pangalawa — malinaw sa pahayag ni Bongbong Marcos na para sa kanya, banta sa seguridad ng Pilipinas ang pakikipag-negosyo sa China. Mayroon itong bahid ng babala sa mga negosyanteng Pilipino na nagnenegosyo sa China.
At higit sa lahat, ang pahayag ay tahasang nag-aakusa sa China ng panghihimasok sa internal affairs ng Pilipinas. Bagaman wala itong sapat na katwiran, isa itong mapangahas at mapanganib na hamon sa China — isang bansang may mahabang kasaysayan ng ugnayan sa Pilipinas.
Seryoso ito. At maaaring magkaroon ito ng seryosong epekto sa ating relasyon sa China.
Mga kababayan...
Sa pahayag na ito ay ipinakita ni Bongbong Marcos ang estado ng kanyang pag-iisip at kung hanggang saan niya handang dalhin o hilahin ang ating bansa, kasabay ng kanyang takot at desperasyong pagtakpan ang maraming isyung kinakaharap natin ngayon.
Bigo si Bongbong Marcos na mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.
Bigo si Bongbong Marcos na mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Bigo si Bongbong Marcos na mapatibay ang ating mga institusyon.
Bigo si Bongbong Marcos na tunay na mapagsilbihan ang mga mamamayan at maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa karahasan.
Desperado si Bongbong Marcos na pagtakpan ang korapsyon sa bansa.
Nagpapatuloy pa rin ang mga kuwestiyonableng insertions sa national budget ng kanyang mga kaalyado sa politika.
Laganap pa rin ang kriminalidad.
At nitong kamakailan lamang — muntikan nang makapasok ang tone-toneladang ilegal na droga sa Pilipinas.
Walang palatandaan na prayoridad ni Bongbong Marcos na solusyonan ang mga problemang ito.
Gayunpaman, may isa pang seryosong usapin sa likod ng mapanghamong pahayag ni Marcos tungkol sa China.
Nais niyang pagtakpan ang kanyang kabiguang maayos na tugunan ang territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ang kabiguang ito ay hindi lamang naglalagay sa Pilipinas sa peligro, kundi maaari ring magkaroon ng seryosong epekto sa seguridad at katatagan ng mga bansa sa ASEAN region.
Panghuli, nais kong sabihin sa inyo na sa ngayon, wala na tayong aasahan pa sa pamumuno ni Bongbong Marcos kundi dagdag na pasakit at hirap.
At kung nanganganib man ang ating bansa — nanganganib ito sa kamay ni Bongbong Marcos.
Mag-ingat po tayo palagi.
Shukran
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines