Lugaw King sa Munti Essential
BcTour
0:00 / 0:00
Lugaw King sa Munti Essential
1 971 просмотр · 3 года назад
BcTour
307 подписчиков
1 971 просмотр · 3 года назад
Dinaanan natin ang isang masarap na lugawan sa muntinlupa, Ang Lugaw King
Dahil Inabot tayo ng gutom pauwi galing trabaho ay sinaglit natin ang kainang ito kung saan ay may masarap magluto ng lugaw. Ipinaghain tayo ng isang masarap na lugaw na may laman ng baka, twalya, tokwa at itlog na nilaga, malapot at maraming malagkit. Hindi sya malabnaw na gaya ng kadalasang nakikita natin sa mga bentahan ng lugaw. Inabutan tayo ni ate ng chilli oil at kalamansi, hindi na tayo humingi ng patis at paminta dahil gusto Kong malaman ang lasa ng lugaw na walang pampaalat. Sapat na yung kalamnsi at chilli oil.
Salamat ate..
Sinimulan na nga natin lantakan ang masarap na hinain.Malambot ang baka at di makunat ang twalya ng baka. Yung anghang ng chilli oil ang nagpadagdag ng init sa lugaw, presko sa kainan pero papawisan ka sa sarap ng luto. Kasarap nga naman ng lutong Batangas.
24 oras ang Lugaw King sa tapat ng Seaoil at Treelane Subd. kaya kung may hang over ka, bukas ang Lugaw King pampahulas.
Salamat po ng marami sa masarap na pagkain.
Ika nga eh Share Your Blessings..
#ALX #kalbo #ausek #emtb #aerox155 #evohelmetphilippines #lugawking #essential #gutom #Michaelluzano #JohnsenLomtong # @blaisematthewtubice2051 @shey2bc @johnpaulgumadlas2075 @jasonbaltazar4836 #gerliebendaña #judithpatiño #dennispatiño