KULTONG HINDI RAW TINATABLAN NG BALA SINUBUKAN ANG MILITAR, PNP, AT CAFGU
Utol Ford
0:00 / 0:00
KULTONG HINDI RAW TINATABLAN NG BALA SINUBUKAN ANG MILITAR, PNP, AT CAFGU
203 695 просмотров · 1 мес. назад
Utol Ford
386 тыс. подписчиков
203 695 просмотров · 1 мес. назад
Tadtad, isa umanong grupo ng mga kulto na noon ay naging bahagi ng pakikipagtulungan sa pamahalaan upang masugpo ang mga naglalakasang rebeldeng komunista at moro, at ang ngayong senador na si Bato Dela Rosa ang isa sa mga chief handler noon ng grupo. Ito ay isang Christian vigilante group na madalas tawaging isang “kulto” dahil sa paniniwala ng mga miyembro nito sa mga ritwal, orasyon, at anting-anting na umano’y nagbibigay sa kanila ng kakaiba at supernatual na kapangyarihan gaya ng diumanoy hindi raw sila tinatablan ng bala at patalim. Katunayan, kaya sila binansagang tadtad ay dahil sa kanilang initiation test, kinakailangan munang tadtarin ang braso ng isang aplikante gamit ang patalim kung nararapat ba itong maging miyembro ng kanilang samahan. Kapag hindi siya nasugatan, tanda ito na malakas ang kaniyang pananampalataya at ipinagkaloob na umano sa kaniya ang kapangyarihan pero kapag nasugatan naman ay hindi pa umano lubusang nalinis ang kaniyang espiritual at hindi ito tatanggapin bilang miyembro. Sa kanilang paniniwala, sila umano ang mga sundalo ng Diyos na may tungkuling harapin ang kasamaan. Ngunit dumating ang panahon ng dahil sa pagaarmas sa kanila, tila naging siga ang ilan sa mga ito at nasangkot na sa sari-saring ilegal na gawain, karahasan at pangaabuso. Katunayan, dekada otsenta nang pagpapatayin nila ang mga pinaghihinalaan lamang na rebeldeng komunista, pinug0t4n pa nila ng 0l0 ang umanong lider nito at ininom ang dugo, hindi itinago ng mga sangkot ang nangyari. Inimbitahan pa umano nila ang mga mamamahayag upang makita at makunan ang aftermath. Lumabas pagkatapos sa mga pambansang pahayagan ang mga larawan ng ilang miyembro ng Tadtad na nakangiti habang ipinapakita ang p0g0t na 0l0 ng isang taong sinasabing rebelde. At nung dumating ang araw na nagtagpo ang panig ng kulto at ng pwersa ng pamahalaan, dito nila sinubukan ang kanilang supernatural na kapangyarihan na diumano hindi raw sila tinatablan ng bala. Tatagos kaya ang mga bala ng mga dekalibreng baril ng mga awtoridad sa kanila o magreresulta ito ng pagkakat4dt4d sa kanilang mortal na katawan.
Nagsimula ang kuwento noong dekada ’70. Noong 1972, itinatag sa Initao, Misamis Oriental ang Sagrado Corazon Señor(Sagrado Corazon Senior) o SCS, ang religious movement na higit na nakilala sa bansag na Tadtad. Ang nagtatag nito ay si Sagrado Sade Jr., na iniulat sa ilang historical source bilang isang retiradong military officer. Sa loob ng samahan, tinatawag siya ng kaniyang mga tagasunod na “Papa Sagrado o Sacred Father.” Hindi ordinaryong lider ang tingin sa kaniya ng ilang miyembro. Pagsapit ng 2000, isa sa mga grupong iniuugnay ng media at mga awtoridad sa Tadtad tradition ang samahan ng Catholic God’s Spirit na may colony sa Barangay Kimanait, Pangantucan, Bukidnon. At ang lider nito ay si Alfredo Obsioma na may 300 miyembro doon sa liblib na compound ng Pangantucan. Ngunit mismong lider nitong si Obsioma ay tumangging tawagin silang Tadtad. Iginiit niyang religious believers lamang sila at sumusunod sa kanilang sariling mga panuntunan at panalangin. Pero merong isang pangkat sa loob ng kanilang samahan na magbibigay puwing sa kanila, ito ang pangkat o paksyon na pinamumunuan ni Roberto Madrina Jr. na tinatawag na Warriors.
True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories