CHARITOO (Full Grace Worship Song)
JACK VALDEZ VIADO
0:00 / 0:00
CHARITOO (Full Grace Worship Song)
2 просмотра · 5 дн. назад
JACK VALDEZ VIADO
2 подписчика
2 просмотра · 5 дн. назад
NEW RELEASE! Charitoo Sunday Special.
Funny, matamis at nakakakilig sa unang pandinig! Sa likod nito ay kalakasan at pag-asa ang hatid.
'CHARITOO', isang salitang Griyego (Greek) na ang ibig sabihin ay 'highly favored of God', sa tagalog, 'lubos na kinalulugdan ng Diyos' sa mabilis na salin, 'pabor mula sa Diyos'.
Ang salitang "charitoo" (χαριτόω) sa Bibliya ay isang pandiwang Griyego na nangangahulugang "gawaran ng biyaya," "ipagkaloob nang may pabor," o "itaas sa espesyal na karangalan." Ito ay nagmula sa salitang-ugat na 'charis' (χάρις), na ang ibig sabihin ay "biyaya" (grace) o "di-kabayarang pabor" --unmerited favor.
Ito ay matatagpuan o mababasa sa dalawang verses lamang sa buong Bibliya, ito ay nasa New Testament.
Una, Luke 1:28. Nang batiin ng anghel Gabriel si Maria, ginamit niya ang anyong 'kecharitomene' (isang perfect passive participle ng charitoo). Karaniwan itong isinasalin sa Tagalog bilang "puspos ng biyaya" o "lubos na kinalulugdan". Ipinapakita nito na si Maria ay ginawaran ng Diyos ng natatanging pabor o biyaya hindi dahil sa kaniyang sariling gawa, kundi dahil sa soberanong pagpili at pagmamahal ng Diyos upang maging ina ng Mesiyas. Ang anyo ng salitang ito ay nagpapahiwatig ng isang tapos na aksiyon na may permanenteng epekto (Perfect Tense).
Pangalawa, Ephesians 1:6. Ginamit naman ni Apostol Pablo ang anyong 'echaritosen' sa kaniyang sulat sa mga taga-Efeso "Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na ipinagkaloob niya nang walang bayad sa atin sa Minamahal." Ipinapaliwanag dito na ang bawat tunay na Kristiyano o sumasampalataya ay "tinanggap" at "biniyayaan nang lubos" dahil kay Cristo Jesus. Ipinapakita nito na sa sandaling ikaw ay sumampalataya kay Cristo, ibinuhos ng Diyos ang Kaniyang pabor at pag-ibig sa iyo nang sagana at walang katapusan (Perfect Tense), libre, regalo --biyaya.
Mababasa sa KJV version sa Eph.1:6 ang english word na "accepted", na sa original Bible Greek text ng New Testament, ginamit ang salitang "charitoo". Bago verse 6, umatras ka ng verse 3, sinabi ni apostol Pablo sa church ng Efeso na ang mga nakay Cristo ay 'pinagpala' (blessed), kaya kung pagsasamahin mo ang dalawang verses na ito ay makakabuo ka ng salitang, 'blessed and highly favored of God'.
Ang pabor ng Diyos na pahirapan na makamit ng mga Judio sa Lumang Tipan sa pamamagitan ng pag-aalay ng dugo ng hayop at pag-sunod sa mga Kautusan ni Moses (Mosaic, Old Covenant --bet. God and man) ay siya namang walang kahirap-hirap sa ating mga mananampalataya ngayon sa bagong Kasunduan (Messianic, New Covenant --bet. God Father and Jesus). Dahil kay Cristo at sa kanyang tinapos na gawa, kung ikaw ay sumasampalataya, nasa'yo ang mataas na pabor ng Diyos.
Enjoy watching sa ating orihinal na likha. Dahil last track na po ito sa ating album na Grace All The Time Fellowship, ginawa nating espesyal para sa'yo kung ikaw ay sumasampalataya kay Cristo at sa kanyang tinapos na gawa, ikaw ay, 'charitoo'!
TRACK 12: (Last Track)
CHARITOO
Original Full Grace Lyrics by: Jack Valdez Viado / Grace All The Time Fellowship
[Verse 1]
Charitoo — biyaya ng Diyos
Sa krus tinapos, kaligtasan ko
Biyaya Niya’y walang hanggan
Ako’y pinatawad, pinalaya ng lubos
[Chorus]
Charitoo! Ako’y pinagpala at pinaburan
Sa dugo ni Kristo, ako’y pinagpala
Sa dugo ni Kristo, ako'y pinaburan
Sa tapos na gawa, ako’y Charitoo!
[Verse 2]
Charitoo — kaloob ng Ama
Sa sugat ni Hesus, buhay ay sagana
Hindi pababayaan, dahil kay Hesus
Biyaya Niya’y gabay, sa bawat araw
[Bridge]
Charitoo, Charitoo, biyaya’y dumadaloy
Sa krus tinapos, tagumpay ay sa Kanya
Charitoo, Charitoo, pabor ay garantisado
Sa krus tinapos, tagumpay ay sa akin!
[Final Chorus]
Charitoo! Ako’y pinagpala at pinaburan
Sa dugo ni Kristo, ako’y pinagpala
Sa dugo ni Kristo, ako'y pinaburan
Sa tapos na gawa, ako’y Charitoo!
#Charitoo