"PASKO SA BIÑAN" OFFICIAL MTV
BCHATO
0:00 / 0:00
"PASKO SA BIÑAN" OFFICIAL MTV
10 089 просмотров · 7 л. назад
BCHATO
2,38 тыс. подписчиков
10 089 просмотров · 7 л. назад
Pasko sa Biñan (Official Biñan Christmas Song 2018)
Lyrics by: Cielo Marie Salanatin and Krizelle Ann Hufalar
Music by: Messiah James Tagle
Sung by Jennelyn Gagajena, Henry Rodriguez and Arman Dimaguila
Video by: City Mayor's Office
Gaano man kadilim ang langit
Sinag ng tala'y magniningning
Gaano man kabigat ang pasan
Pag-asa'y darating di mo man ito hingin
Kung magmamahalan at magbibigayan
Liwanag ng Pasko ay makakamtan
Chorus:
Ngayong Pasko ating tunghayan
Ang serenata para sa Maykapal
Biyayang sining handog sa ating bayan
Kulturang pamana'y nasa bawat tahanan
Ano nga ba ang tunay na diwa ng kapaskuhan?
Halina't damhin ang Pasko sa Biñan
Oooh ohh
Mamasdan sa kanayunan
Pamilyang masayang naghahapunan
'Di mawawala sa hapag kainan
Ang keso de bola at Puto Biñan
Sama-sama nating salubungin
Ang saya ng Pasko sa Biñan
Chorus:
Ngayong Pasko ating tunghayan
Ang serenata para sa Maykapal
Biyayang sining handog sa ating bayan
Kulturang pamana'y nasa bawat tahanan
Ano nga ba ang tunay na diwa ng kapaskuhan?
Pagsaluhan natin ang Pasko sa Biñan
Kay sarap pakinggan
Ang musikang nagbigay daan
Sa ating mapayapang puso't isipan
Ating buhayin ang nakaraan
At linangin ang kasalukuyan
Para sa makabuluhang kinabukasan
Ngayong pasko, ating tunghayan
Ang serenata para sa Maykapal
Biyayang sining handog sa ating bayan
Halina sa Biñan
Chorus:
Ngayong pasko, ating tunghayan
Ang serenata para sa Maykapal
Biyayang sining handog sa ating bayan
Kulturang pamana'y nasa bawat tahanan
Ano nga ba ang tunay na diwa ng kapaskuhan?
Halina't saksihan ang Pasko sa Biñan
Pasko sa Biñan
Halina’t saksihan ang Pasko sa Biñan