Перейти к содержимому

Papuri Sa Diyos (Rev. Fr. Bong Panganiban)

BJ Giman

0:00 / 0:00

Papuri Sa Diyos (Rev. Fr. Bong Panganiban)

8 764 просмотра · 6 лет назад
BJ Giman
6,91 тыс. подписчиков
8 764 просмотра · 6 лет назад
Tampok ang awiting Pangliturhikal ni Fr. Damaso "Bong" Panganiban Ang awiting ito ay bahagi ng Pagdiriwang ng Banal na Misa. Ang Banal na Misa ay isang pagpupuri dahil ito'y ang ating paninikluhod sa harapan ng Diyos. Sa Misa, inaalay natin ang ating mga aksyon at gawain upang papurihan ang Diyos. At habang ngayon ay nararanasan pa din natin ang pandemiko at hindi makadalo ng Banal na Misa, hayaan ninyo pong ihatid namin sa inyo ang awiting ito, ang komposisyon ni Rev. Fr. Damaso "Bong" Panganiban para sa Simbahang Lokal ng Batangas. Papuri sa Diyos Gloria in Excelcis Deo! At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen!