Перейти к содержимому

HOLY MASS TODAY HEALING LIVE MASS at Santo Padre Pio International Shrine ° Agosto 24, 2026 6AM

Catholic Mass Today Live (CMTL)

0:00 / 0:00

HOLY MASS TODAY HEALING LIVE MASS at Santo Padre Pio International Shrine ° Agosto 24, 2026 6AM

8 437 просмотров · Трансляция закончилась 1 месяц назад
Catholic Mass Today Live (CMTL)
172 тыс. подписчиков
8 437 просмотров · Трансляция закончилась 1 месяц назад
FILIPINO CATHOLIC MASS TODAY LIVE HEALING MASS (I|) August 24, 2026 LUNES ng Ika-21 Linggo sa KARANIWANG PANAHON (II) Kapistahan ni Apostol San Bartolome BANAL NA MISA. Online Mass | UNANG PAGBASA Pahayag 21, 9b-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Wika ng anghel sa akin, “Halika, at ipakikita ko sa iyo ang Babaing makakaisang-dibdib ng Kordero.” Nilukuban ako ng Espiritu, at inihatid ako ng anghel sa ibabaw ng isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang Jerusalem, ang Banal ng Lungsod, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos. Nagliliwanag ito dahil sa kaningningan ng Diyos; kumikislap na gaya ng hiyas na haspeng sinlinaw ng kristal. Ang pader nito’y makapal at mataas at may labindalawang pinto, bawat isa’y may bantay na anghel. Nakasulat sa mga pinto ang pangalan ng labindalawang lipi ng Israel. Tatlo ang pinto ng bawat panig: tatlo sa silangan, tatlo sa timog, tatlo sa hilaga, at tatlo sa kanluran. Ang pader ng lungsod ay may labindalawang saligang-bato at nakasulat dito ang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18 Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo. Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang; lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan. Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian, at ibababalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan. Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo. Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao, mababatid nila ang kadikalaan ng paghahari mo. Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago. Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo. Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa. Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo. Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo. ALELUYA Juan 1, 49b Aleluya! Aleluya! Guro, Anak na Butihin ng Diyos Amang masintahin, ika’y hari ng Israel. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Juan 1, 45-51 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan Noong panahong iyon, hinanap ni Felipe si Natanael, at sinabi rito, “Natagpuan namin si Hesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose. Siya ang tinutukoy ni Moises sa kanyang sinulat sa Kautusan, at gayun din ng mga propeta.” “May magmumula bang mabuti sa Nazaret?” Tanong ni Natanael. Sumagot si Felipe, “Halika’t tingnan mo.” Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Hesus, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya’y hindi magdaraya!” Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!” wika ni Natanael. Sinabi ni Hesus, “nanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!” At sinabi niya sa lahat, “Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) International Shrine of Saint Padre Pio - Batangas